MKS Chapter 13

85.9K 2.4K 132
                                    

Ganito pala pag may kasama kang gwapong mag-ama, magiging center of attention ka, simula nang dumating kami ay sa Mall ay kanina ko pa napapansin ang pag tingin samin ng mga tao lalo na sa dalawang lalaking kasama ko. Kapansin-pansin naman kasi talaga sila, sila lang nag mag ama na ang layo ng agwat sa isa't isa na akala mo ay mag kaaway.

Napahawak ako sa tyan ko ng makaramdam ako ng gutom, madami ang tao sa mall dahil siguro weekends walang pasok sa school at walang trabaho ang iba.

"Kain muna tayo?" Tanong ko sa kanila. Tumango si Noctis, ngumiti ako saka kinuha ang kamay nya at tinungo ang past food chain na alam kong hindi pa nila napupuntahan. Naramdaman ko ang pag hinto ni Mr. Knight sa likod ko at ang pag tingin sakin ni Noctis ng huminto kami sa tapat ni Jollibee.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Mr. Knight. Hinarap ko sya at nakita ang pangungunot ng noo nya. Tama ako, hindi pa sya nakakapasok sa Jollibee.

"Kakain, masarap dito" sagot ko saka sya nginitian, humarap ako kay Noctis.

"Okay lang ba sayo dito? Masarap naman ang mga pag kain dito" sabi ko. Tumango sya.

"Tara na?" Muling baling ko kay Mr. Knight na hindi alam kung tutuloy o hindi sa loob pero bandang huli ay tumango nalamang sya.

"Mr. Knight, hanap ka ng mesa natin ako na ang oorder" sabi ko saka ibinigay sa kanya ang kamay ni Noctis. Nangunot ang noo ko ng ilabas nya ang kanyang wallet at iniabot sakin ang isang card. Ngumuso ako at tumingin sa kanya.

"May pera ako, saka ako ang mag aya kaya sagot ko kayo" sabi ko saka muling iniabot sa kanya ang kamay ni Noctis. Tumitig sya sakin ng ilang segundo saka ibinalik amg card sa kanyang wallet at ibinulsa ito. Napatingin naman sya kay Noctis bago nya kuhanin ang kamay nito. Ngumiti ako kay Noctis bago sila tumalikod para humanap ng mesa na ookupahin namin.

Ngayon ko lang napansin na may ibang nakatingin samin, tumikhim ako at pumunta sa counter. Habang umuorder ay hindi ko maiwasang silipin ang mag ama, kita sa mukha ni Mr. Knight na hindi sya kumportable sa kanyang kinauupuan habang si Noctis naman ay nakatingin lang sa kanya. Napailing ako.

"Ang gwapo naman po ng mag-ama nyo" sabi ng babae na nasa counter at sumilip kung nasaan ang mag amang Knight.


"Hindi ko sila mag ama, date ko sila" nakangiting tugon ko sa babae. Ngumiti sya bago tumango saka iniabot sakin ang number 14, ngumitin ako bilang tugon bago aya tinalikuran at pumunta sa mag amang Knight. May nadadaanan pa akong mga babae na makatingin sa mesa namin. Masyado talagang agaw pansin ang dalawa.

"Hi" bati ko sa kanila bago umupo sa tabinno Noctis, nasa harap ko si Mr. Knight.

"Teacher eto yung nisasabi ni Sophia diba?" Tanong nya. Napangiti ako saka tumango.

"Hindi kapaba nakakapunta dito?" Tanong ko, umiling sya bilang sagot. Napatingin naman ako kay Mr. Knight na nakatingin lang din sa anak.

"Bakit?"

"Wala namang nag dadala sakin" aniya saka tingin kay Mr. Knight na nasa harap namin, nakita ko ang pag iwas ni Mr. Knight ng tingin. Muli akong bumaling kay Noctis at hinaplos ang buhok nya.

"Don't worry, simula ngayon dadalin ka na ng Daddy mo dito, everytime na gusto mo. Diba Mr. Knight?" Sabi ko saka muling tumingin kay Mr. Knight, tumingi sya sakin bago tumingin kay Noctis.

"Yeah, sabihin mo lang kung saan mo gustong pumunta" aniya saka bahagyang ngumiti. Napatitig sa kanya ng ilang segundo si Noctis bago tumango.

"Narinig mo 'yon? Basta mag sabi ka lang" nakangiting sabi ko. Pareho kaming napatingin kay Mr. Knight ng tumunog ang phone nito.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon