MKS Chapter 32

67.3K 2.1K 371
                                    

"Salamat Alora, salamat dahil hinayaan mo na makasama ko ang mag ama ko" nakangiting sabi ni Shaira, hindi ko magawang tumingin ng deretsyo sa mg mata nya, pakiramdam ko kasi ay dinuduro ako non, dinudurog ako ng kasiyahang nararamdaman nya.


Huminga ako ng malalim at tumitig sa kapeng nasa harapan ko, kanina ko pa hinahalo ito at hindi ko tuluyang mainom dahil pakirandam ko ay hindi ko ito kayang lunukin.



"Ang saya-saya ko Alora, sobrang namiss ko ang bahay namin. Kagabi ay yung dati naming kwarto ni Ace ang ginamit namin. Nakakatuwa dahil hindi nya pa inaalis ang ibang mga gamit ko doon, siguro ay umaasa rin sya na mag kakaayos kami" aniya, muli kong maramdaman ang isang malaking kamay na dumakot sa puso ko at pinisil iyon. Pumikit ako ng mariin at nag babakasakali na mawala ang sakit na nararamdaman ko.




"At kagabi grabe hindi nya ko pinatulog, namiss talaga namin ang isa't-isa. Pakiramdam ko nga nawala ang sakit ko. " aniya pa at bakas sa boses nya ang kasiyahan.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa mga naririnig ko. Pero eto naman ang gusto ko diba? Ako ang mag tulak sa kanya na makipag ayos kay Shaira. Kaya bakit ako nasasaktan ng ganito?




"Masaya ako para sa inyo" wala sa loob na sabi ko, maski ang sarili ko ay niloloko ko na. Masaya? Simula noong tinulak ko si Mr. Knight ay alam kong hindi na ko magiging masaya. Paano ako sasaya kung ang mismong kasiyahan ko ay tinulak ko palayo?




"Salamat talaga, nakakatuwa nga si Noctis dahil nanghihingi na ng kapatid." Aniya pa, huminga ako ng malalim at kinuha ang mga gamit ko. Ayoko ng makinig, pakiramdam ko konti nalang ay sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.






"Mauna na ko, may mga kailangan pa kong gawin sa school" sabi ko saka tumango. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nya, na parang sa sobrang saya na nararamdama nya at wala na syang pakialam kung nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipag usap sa kanya. Siguro dahil ayoko lang maging bastos kaya kahit na ayoko ay sumama ako sa kanya dito.


"Sige, mag kikita rin naman tayo mamaya. Susunduin namin ni Ace ang anak namin" aniya. Tumango ako at umalis sa Coffee Shop na pinuntahan namin. Nawala ang gutom na nararamdaman ko kanina, nawalan ako ng gana dahil sa mga sinabi ni Shaira.

Gusto kong mag sisi kung bakit ko pinakawalan si Mr. Knight, pero sa tuwina ay amg masayang mukha ni Noctis ang naiisip ko. Kung gaano sya kasaya na kasama na nya ang Mommy at Daddy nya. Alam ko na pulit-ulit nalang ang dahilan ko ko , pero iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ko ginawang pakawalan si Mr. Knight.




Natigil ako sa pag lalakad ng biglang umikot ang paningin ko, ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo.



"Ma'am okay lang po kayo?" Rinig kong tanong ng kung sino. Sinubukan kong humakbang at halos bumuhal ako dahil muling umikot ang nasa paligid. Pumikit ako ng mariin at mag babakasakali na mawala ang hindi magandang pakiramdam. Pinawisan ako ng malalig at alam ko na hindi ito maganda.


"Ma'am"




Nagdilim ang paligid bago pa man ako makahingi ng tulong.













Nagising ako sa ospital. Medyo okay na nag pakiramdam ko kumpara kanina na halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil sa hilo.

Siguro ay dahil nalipasan ako ng gutom, isama pa na stress ako nitong mga nakaraang araw.

Sino kaya ang nag dala sakin dito kanina? Kailangan kong mag pasalamat.





"Hello Misis, gising ka na pala." Anang babae na tingin ko ay Doctor, dahil sa suot nya at dahil sa magaang aura nya.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon