MKS ENDING

124K 2.6K 290
                                    

Paano ba nag simula ang lahat?

Isa lamang akong ordinaryong teacher sa isang pribadong eskwelahan. Teacher na gustong tulungan ang mga batang tinuring ko ng mga anak.

Si Noctis, isa syang bata na nag hahanap ng atensyon ng kanyang ama. Atensyon na hindi maibigay sa kanya. Gusto ko lang syang tulungan, gusto kong maramdaman nya ang pag mamahal ng isang ama.

Pero sinong mag aakala na uuwi ang lahat sa ganito? Na magiging bahagi ako ng buhay nya, na magiging parte ako ng pamilya nya?

Napapitlag ako ang maramdaman ang dalawang braso na biglang pumalupot sa baywang ko. Amoy pa lang ay alam kong galing ito sa taong mahal ko.

"I love you" bulong nya sa tenga ko at hinalikan ang buhok ko.


Napangiti ako, hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang kiligin sa tuwing sanasabihan nya ako non. Pakiramdam ko ay teenager ako at sya ang unang boyfriend ko.

Hinilig ko ang katawan ko sa malapag nyang dibdib at muling tinanaw ang dalawang bata na bumuo samin ni Ace. Dalawang bata na nag papasaya sa araw namin.

"Ang laki na ni Ayesha" bulong nya.

"Baby pa sya" sabi ko. Ngayon ay alam ko na ang nararamdaman ni Ace nuong mga panahon na lumalaki na si Noctis. Unti-unti na silang lumalaki at nag kakaroon ng sariling pag isip, makakapag desisyon na sila at natatakot ako na baka sa sobrang bilis ng pag daan ng panahon ay mawala na sila sakin. Mag karoon ng sariling pamilya at humiwalay samin.

"Gusto na nya ng kapatid"

Napailing ako at habagyang kinurot ang kanyang braso na nakapalupot sakin. Rinig ko pa ang pag halakhak nya.

Nag eemote ako pero sya at heto iba pala ang iniisip.


"Hindi ka paba sawa sa kakulitan ng anak mo at gusto mo pa ng isang makulit?" nakangiting tanong ko.

"Gusto ko pa ng isang makulit, or pwedeng dalawa pa. Hmmm, gawin mo ng lima."

Sa sinabi nya ay hindi ko mapigilang matawa. Baliw talaga.

Tinanggal ko ang mga braso nya na nakapalupot sakin at kinuha ang kaliwang kamay nya. Doon ay nakita ako ang singsing na patunay na mag asawa na kami.

3 months ago ay tinupad nya ang pangako nya sa pamilya ko na mag papakasal kami sa simbahan. Lahat ng pangako nya ay tinupad nya. Pinaramdam at pinakita nya samin kung gaano nya kami kamahal. Hinsi sya nag kulang bagkus ay sumobra sya sa pag paparamdam ng pag mamahal samin.

Maswerte ako at nakilala ko sya, maswerte ako dahil minahal nya ako.


Malaki ang ngiti ko sa kanya at inilagay ang kamay ko sa tummy ko.


"Meron ng isa" nakangiting sabi ko. Kita ako ang gulat sa mga mata nya, at ng tila rumehistro na sa kanya ang sinabi ko ay agad nya akong niyakap.

Sobrang higpit ng yakap nya at ramdam ko don kung gaano sya kasaya sa binalita ko. Nang kumawala ay agad nyang sinapo ang mukha akk at banayad na hinalikan sa labi.

"Thank you Alora. Thank you for coming into my life. I love you. I really love you, love" paos na sabi nya. Ngumiti ako at hindi mapigilan ang maiyak.

"I love you too Ace. Always and forever" nakangiting sabi ko at muli syang hinalikan.

Simula palang ito sa istorya namin ni Ace. Marami pa kaming pag dadaanan, marami pang hamon, pag subok, hindi pag kakaintindihan, mga away pero hindi ako papayag na isa sa mga ito ang sisira sa pamilya namin. Mag tutulungan kami upang maging matibay kami sa lahat ng pag subok na ibabato samin.










***

A/N: tapos na ang pag hihintay. Pasensya na at tumagal ng ganito. Pasensya na rin at maikli lang ito.

Salamat sa pag suporta..

*pusa

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon