MKS Chapter 11

83.8K 2K 44
                                    

Teaching is my passion. Ang pag tuturo ang nag iisang pangarap ko simula noong nag kaisip ako. Nakikita ko na rin noon pa na magiging teacher ako at masayang nag tuturo sa harap ng mga estudyante ko. Kaya nga sobrang saya ko noong natapos ko ang apat na taong pag aaral ko ng college.

Yung saya pag nasa harap ka ng mga cute na bata, yung ngiti mo pag nakikita mo silang masayang nakikinig sa mga tinuturo mo at yung haplos sa puso mo pag nag papaalam sila sayo bago sila umuwi mayroon pa nga na kikiss pa bago umuwi. Doon lang ay masaya na ako.

Pero syempre hindi naman laging masaya, nag kakataon din na sobrang stress ka dahil minsan natatapat sayo ang mga batang pasaway isama pa ang mga lesson plan. Pero kung ang puso mo ay nasa trabahong ginagawa mo hindi mo mararamdaman ang pagod, ang mag hapong pag tayo, ang pag babawal sa mga makukulit at ang pamamaos mo.

Kaya nang sabihin ni Mr. Knight na i-quit ko ang trabaho ko para maging tutor ni Noctis ay parang may isang ugat na naputol sa batok ko. Nakakapagtaka dahil alam ko na mahaba ang pasensya ko pero nang sinabi ni Mr. Knight iyon ay paramg gusto kong ihampas sa kanya nag bag na dala ko.

Hindi nya kasi alam ang pagod at hirap na dinanas ko para lang maabot ang kinalalagyan ko ngayon. Yung pag susunog ko ng kilay para lang mapasa ko ang board exam ko. Yung halos hindi na ako kumain matapos ko lang ang lesson plan ko. Ang akala nya siguro sweldo ang inaalala ko kay nag ooffer pa sya ng malaking sahod. Ang bobo nya 'yon lang ang naisip ko ngayon ..

Okay! Nangako ako na tutulungan ko sya para mapalapit kay Noctis pero sana naman ay huwag nya akong pangunahan. Huwag nyang syang mag susuggest na iwanan ko ang trabaho ko para lang sa pang sarili nyang intensyon. Ang selfish nya masyado.

Napatingin ako kay Noctis na nag susulat sa notebook nya. Halos lahat ng estudyante ko ay tahimik at seryoso sa pinapagawa ko sa kanilang notebook. Hindi ko maiwasang mapangiti isa ito sa hindi ko makakalimutan kahit na tumanda ako. Ang sarap titigan ng mga bata habang busy sa mga sinusulat nila.

Handa naman akong tulungan si Noctis sa pag aaral nya kaya nga nag hanap talaga ako ng tutor na magiging komportable sya. Pero hindi ko talaga kayang iwanan ang pag tuturo sa school. Kaya bahala si Mr. Knight, kailangan nya ding kumilos para mapalapit sa anak nya.

"Kids! Sino yung mga finish na? Pasa na dito sa desk ni Teacher" masayang sabi ko saka pumalakpak. Napangiti ako ng mabilis nilabg sinarado ang mga notebook nila at isa-isang ipinatong sa desk ko na nasa harapan.

Hinintak kong matapos ang iba bago ako muling lumapit sa desk ko at inayos ang mga notebook.

"Okay! Bago umuwi kanta muna tayo?" Nakangiting tanong ko. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko nang mag tatalon sila.

Masaya kaming kumakanta at ang nasa harapan ay si Keira na enjoy na enjoy, halos lahat ang nag eenjoy maliban nalang kay Noctis na nakaupo lang sa upuan nya.

Nang matapos ang kantay ay nag paalam na ako sa kanila.

"Good bye Class! See you tomorrow Okay?"

"Good bye Teacher Alora, see you tomorrow" sabay sabay na bati nila at saka nila inayos ang mga bag nila.

"Babye po Teacher" paalam ni Sopia

"Babye Sopia"

"Teacher! Teacher pakiss po!" tumatakbong sabi ni Keira. Yumuko ako para maabot nya ang pisngi ko at binigyan nya ako ng isang malutong na halik na ikinahagikgik ko.

"Babye Keira" sabi ko saka ginulo ang buhok nya.

Paano ako hihinto sa pag tuturo kung ganito ka attached ang mga bata sakin at ganoon din ako sa kanila. Sa pagiging teacher ko ay nararamdaman ko na rin ang pagiging ina, hindi ko man sila mga kadugo ay mga anak na ang turing ko sa kanila. At isa pa hindi naman kilangan na mag kadugo ang isang tao para lang masabi mong anak mo, minan kasi nasa puso iyan. At ang mga batang ito ay mga anak ko at lahat sila nanggaling sa puso ko.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon