MKS Chapter 24

70.9K 1.7K 62
                                    

Nakatingin lang ako sa ring na na nakasuot sa daliri ko, kuminang ang diamond na nasa gitna nito ng tumama sa ilaw na nasa bedside table. White gold ito at may malaking diamond sa gitna na napapaligiran pa ng maliliit ding diamond, simple pero alam ko na malaki ang halaga nito.


Tinignan ko ang natutulog na si Ace sa tabi ko, muli akong humilig sa hubad nyang dibdib at pinakinggan ang tibok ng puso nya.

Hanggang ngayon ay may pangamba pa rin ako sa dibdib ko, paano kung hindi mag click ang marriage namin? Paano kung sa pag kakataon na ito sya ang mag hanap ng ibang babae? Paano kung hindi na sya masaya sakin? Hindi mawawala sakin ang matakot lalo na't bago pa lang ang relasyon namin.

Pero siguro saka ko na dapat usipin iyon, ang dapat kong gawin ngayon ay maging masaya dahil magiging Mrs. Knight na ko. Isipin pa lang iyon ay kinikilig na ko.

Tama si Ace, hindi ang Mommy nya ang papakasalan ko, kaya hindi na dapat mag alala. Pero kahit naman sinong babae ay gustong maging malapit sa magiging mother in-law nya. Huminga ako ng malalim, dahil alam kong hindi magiging madali iyon.

Naramdaman ko ang kamay ni Ace na humahaplos sa buhok ko, tumingala ako at ang mga asul at berdeng mga mata nya agad ang sumalubong sakin. Ngumiti sya at ginantihan ko iyon saka mag lalo pang inilapit ang hubad kong katawan sa kanya.





"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya, tumango ako saka muling itinaas ang kamay ko upang makita nag singsing sa kamay ko.

Isinuot nya sakin 'to kanina ng magkaisa ang mga katawan namin. At paulit-ulit nyang sinabi sakin na masaya sya na tinanggap ko ang kasal na inalok nya.



"Hindi mo naman kailangan gumastos, pero salamat" sabi ko.. Hangga't maaari ayokong tumanggap ng kahit na ano galing sa kanya, kaya sa tuwing nag tatangka syang bilhan ako ay agad kong kinokontra iyon.


"Pwede bang ako na ang mag paliwanag kay Noctis" tanong ko, ang totoo nag aalala ako sa magiging reaction ni Noctis. Oo tanggap nya na girlfriend ako ng Daddy nya pero hindi ko alam kung gusto nya na maging asawa ako ni Mr. Knight.


"Okay" aniya, huminga ako ng malalim at hinaplos ang hubad nyang dibdib, naramdaman ko ang pag hinga nya ng malalim. Ngumisi ako at tumingin sa kanya.


"Hayaan mong ako na rin ang mag sabi sa mga magulang ko" sabi ko, tumango sya saka inabot ang labi ko.

"Gusto kong mag pakasal tayo sa lalong madaling panahon" aniya, ngumiti ako at pinigilan na kagatin ang labi ko.


"Excited lang?" Natatawang sabi ko nag kibit balikat sya hinaplos ang mukha ko.



"Gusto ko maging Knight ka agad, para alam ng Clarence na yon na may asawa ka na." aniya, napanguso ako dahil parang hanggang ngayon ay iniisip nya pa ang bagong teacher sa school.

Masaya ako na nakikitangbnag seselos sya pero ayoko ang pakiramdam na hindi nya ko pinapansin.

"Mrs. Knight" nakangising sabi nya, hindi ko alam kung bakit may isang bahagi ng pag katao ko na hindi masaya. Siguro dahil may mas naunang maging Mrs. Knight kaysa sakin, may mas nauna syang tinawag na Mrs. Knight bago ako. Pero sabi ko nga ayokong mag entertain ng negativity ngayon.


"Gusto ko ng simple wedding lang, yung mga pamilya lang natin ang kasama natin." Sabi ko, hangga't maaari ayokong ng magarbong kasal. Okay na sakin na saksi ang mga pamilya namin.


"As you wish my lady" nakangiting sabi nya. Huminga ako ng malalim saka muling ibinaon ang mukha ko aa dibdib nya.

"Anong iniisip mo?" Tanong nya saka ko naramdaman ang kamay nya sa braso ko.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon