MKS Chapter 16

81.8K 2K 160
                                    

"O tapos?" Tanong ni Ate, nandito sya sa kwarto ko at pinipilit akong mag kwento. Kaya pagkagaling namin ng church ay nag kulong na agad kami sa kwarto ko.


"Gusto ko rin sya, kaso nga ay Daddy sya ni Noctis" sagot ko. Nakita ko ang pag lipad ng unan papunta sa mukha ko.

"O ano ngayon kung tatay sya ni Noctis? Baka nga maging pabor pa sa bata iyon, magiging girlfriend ng Daddy nya ang teacher nya. O may libreng tutor na" aniya. Sinamaan ko sya ng tingin saka umiling.


"Pero seryoso wala namang masama don. Ikaw lang ang nag iisip ng masama, wala pa man ay kung anu-ano na ang iniisip mo. Wag nega Sis. Buti sana kung estudyante mo sya, iyon ang nakakaloka." aniya.

Ang tao may kanya-kanyang pag iisip, may kanya opinyon. Katulad samin ni Ate, mali para sakin pero tama para sa kanya.

Huminga ako ng malalim, lagi kong sinasabi kay Mr. Knight na isip ang kadalasang kumukontrol sa tao, at iyon ang kumukontrol sakin ngayon. Isip ko ang pinapagana ko, kaya ng sabihin ng isip ko na mali iyon ang pinaniwalaan ko. Minsan ang advice na sinabi mo ay hindi mo kayang i-apply sa sarili mo.




"Hindi kana bata Alora at isa pa teacher ka, matalino ka. At alam mong hindi mali iyon, Minsan talaga kung sino pang matalino sa academic, bobo sa pag ibig. Buti nalang bobo ako sa academic." aniya, binato ko sya ng unan dahil sa mga pinag sasasabi nya.


"Gusto ko muna syang kilalanin, kasi parang ang daming sikreto sa likod ng kulay asul nyang mga mata. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila ni Mrs. Knight at kung bakita galit sya noon sa sarili nyang anak. Napaka mysterious nya" Sabi ko, sinapo ko ang unan na binato ni Ate.


"Eh paano mo nga makikilala e iniiwasan mo. Ganito nalang, malalaman mo ang mga sikreto nya pag naging boyfriend mo na sya. At kung hindi maganda ang matuklasan mo kumalas ka, iwanan mo, makipag break ka ganern! " aniya saka ako pinang ikutan ng mata.


Minsan kahit na nakakainis kausap si Ate, may mga sense naman ang mga sinasabi nya. Ang akala nga ng lahat na mas mauuna akong mag kapamilya kay Ate, dati kasi ay manang na manang sya, laging mahahaba ang mga suot at ang buhok laging maka bun. Pero eto sya ngayo,n masaya sa pamilyang binuo nya kaysa si Kuya Ced. Sana mag karoon din ako ng pamilya na katulad ng kay ate.

"Nga pala nakalimutan ko, may good news nga pala ako sayo" aniya saka umayos ng upo.


"Ano naman yan? Sigurado bang maganda?" Tanong ko, mas lalong lumaki ang ngiti nya.


"I'm pregnant" nakangiting sabi  nya.

"Oh my!" Mabilis akong kumapit sa kanya at niyakap sya, masaya ako na madadagdagan nanaman ang pamilya ni Ate.

"Congrat Are, oh my god! Magiging tita nanaman ako" sabi ko saka mapatingin sa maliit nya pang tummy.

"Ikaw kaya kailan mag kakaanak?" Aniya, sinimangutan ko sya. Alam nyang gustong -gusto ko ang mga bata kaya ngayon ay iniingit nya ako.

"Alam na ba ni Kuya Ced?" Tanong, umiling sya pero hindi nawala ang mga ngiti nya.

"Suprise ko sa birthday nya. Hindi pa rin alam nila Mama, siguro sasabihin ko pag dating nila" aniya, tumango ako. Umalis sila Mama kahapon ng hapon dahil pinag bakasyon sila no Tita kapatid ni Mama sa Hongkong, kaya sila Ate ang kasama ko sa bahay ng dalawang linggo.

"Mommy! Mama!" sigaw ni Stella mula sa labas  ng kwarto ko. Bumaba ako ng kama at pinuksan ang pinto.

"Stella .... Noctis?" Takang tanong ko ng makita si Noctis na kasama ni Stella.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon