MKS Chapter 14

87.7K 2.2K 238
                                    

Makailang ikot na ako sa kama pero hindi ko parin makalimutan ang mga labi ni Mr. Knight. Isang araw na ang dumaan pero pakiramdam ko ay dama ko pa din ang labi ni Mr. Knight , at ang nakakaloka ay tinugunan ko iyon. Shocks!

Kahapon ay inabala ko ang sarili ko para lang huwag maisip ang mga labi ni Mr. Knight na nasa labi ko nang nag daang gabi pero ang hirap. Sumasagi at sumasagi parin sa isip ko, at sa tuwing naiisip ko iyon ay nararamdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin, at kasabay noon ay ang pag iba ng tingin ko kay Mr. Knight. Hindi ko alam pero parang nag bago na sya, hindi na sya yung Mr. Knight na malamig lalo na kay Noctis, nag bago ang tingin ko sa kanya simula nuong hilingin nya na tulungan ko sya na mapalapit sa anak nya. Nuon ay laging nakakunot ang noo nya, lagi malamig ang pakikipag usap nya. Pero kahapon ay nakita ko ang isang side ng pag katao nya, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko syang nakitang nakangiti kahapon.

Sinabi nya na nagagalit sya tuwing nakikita nya si Noctis, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasaktan din sya kaya nya nagawa iyon sa anak nya. Pero kahit na anong sakit ang naramdaman nya o nararamdaman nya hindi nya dapat iparamdam ang kahit na anong sakit sa anak nya, pero masaya na ako na nakuha na nyang pahalagahan ang damdamin ng anak nya ngayon.

Tumayo na ako saka dumiretsyo sa banyo para maligo. May program sa school kaya kailangan kong maagang pumasok, tutula ang mga estudyante ko. Nabanggit ko na din kay Mr. Knight ang tungkol doon sana lang ay makapunta sya para maging masaya si Noctis. At para maging masaya ka nakangising sabi ng inner goddess sa loob ko.


Bumaba na ako saka dumiretsyo ng kusina para mag timpla ng kape, bago umupo sa dining table.

"Morning Pa" sabi ko ng maabutan ko don si Papa na nag babasa ng news paper. Tumingin sya sakin saka ngumiti.

"Morning" aniya. Ganito ang gusto ko para kay Noctis at Mr. Knight. Yung sabay silang mag be-breakfast, mag kukwentuhan. Gusto kong maging close sila katulad ng mga normal na mag aama.


"Tumawag ang tita mo" ani Papa, tumingin ako sa kanya dahil nakuha ang atensyon ko.

"Balak ka daw nyang kuhanin katulad ng plano nya. Ang sabi ko ikaw ang kausapin nya, hindi kaba nya tinawagan?" Tanong nya, umiling ako. Nakagat ko nag pang ibabang labi ko ng maalala gusto ni Tita. May plano sila ng asawa nya noon na mag tayo ng school sa US at sinabi nya na pag natuloy iyon ay kukuhanin nya ako bilang teacher doon. Tumango ako non, dahil magandang opportunity iyon noong nag aaral pa ako. Pero ngayon na gusto ko na ang buhay bilang teacher dito ay kailangan kong pag isipang mabuti ang offer ni tita.

"Anong plano mo hija? Basta kung anong maging desisyon mo alam mong nakasuporta kami ng Papa mo" ani Mama saka lumapit kay Papa at ibinaba nag tasa ng kape nito.

"Pag iisipan ko pong mabuti Ma, Pa" nakangiting sabi ko saka muling kumain. Nang matapos ay sumabay na ako kay Papa, ibinaba nya ako sa tapat ng school bago sya umalis para pumasok sa trabaho.


Tumulong ako sa pag aayos sa auditorium at ng matapos ay pumunta na ako ng room. Hapon ang program kaya may time pa para mag practice.

Nag dumating ang ala una ng hapon ay nag punta na kami ng auditorium, doon kasi ginaganap ang mga program at graduation sa school.

Nakaupo ng ang ibang mga estudyanteng galing sa iba ibang grade. Umupo ang mga students ko sa pangalawang row, bawat grade ay may representative at ang section ko ang napili sa grade 2. Ang grade 3 at 4 ay pag sayaw ng mga katutubong sayaw at balagtasan ang gagawin.. 5 at 6 naman ay pag awit ng katutubong awitin.

Nang magsidatingan ang iba ay nag simula na ang program, iginala ko ang paningin ko pero hindi ko makita ang pamilyar na mukha. May ibang magulang din na papaunodin ang kanilang mga anak, pwede kasing pumunta ang mga magulang para panuodin ang magaganap na buwan ng wika.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon