Chapter 1.

32.8K 554 8
                                    

Note: Unedited, please bear with typo and grammatical error.

------------------

Di ko Kaya...

"Kung sana Lang ay sinunod mo ako na pakasalan si renato edi sana Ang ganda na ng Buhay natin ngayon. Hindi yung nahihirapan ka diyan sa paglako ng kakanin at trabahong barako na pinasukan mo.

"Inay ilang Beses ko bang sasabihin sa inyo na ayokong magpakasal sa taong Hindi ko mahal at kilala! Higit sa lahat ayaw Kong magpakasal ng dahil Lang sa pera.

"Hindi mo ba kilala si renato? Abay Gaga ka pala eh! Isa iyong piloto na sikat dito saten, Ang swerte mo nga dahil sa lahat ng babae dito eh ikaw Ang natipuhan! Tsaka sa panahon ngayon dapat praktikal kana, anong mapapala ng pag-ibig na iyan Kung nalilipasan ka naman ng gutom?

"Mas gugustuhin ko pang mag balat sibuyas para maahon at matulungan Kayo sa marangal na paraan kesa naman magpakasal ng dahil Lang sa pera. Inay wala po sa bokabularyo ko Ang gumamit ng Tao para Lang sumalba sa buhay, mas gugustuhin Kong pinaghirapan at pinagtrabahuan ko Ang isang bagay dahil iyon Lang meron ako na pwede Kong ipagmalaki.

"Wala kang mapapala---

"Prinsipyo at dignidad nay, Kung gusto niyo po kayo na Lang Ang magpakasal Kay renato dahil parang mas gusto niyo Ang isang iyon kesa sa mga pinaghirapan ko para sa inyo. -wika niya at madaling tumayo para maghugas ng kamay

"Aba't! Anong gagawin mo sa prinsipyo at dignidad na iyan Kung hanggang ngayon ay wala pa ding patutunguhan Ang pinaghirapan mo? Kakarampot na kita mula sa kakanin? Pagiging labandera ng mga roxas? Pagkuskos ng kubeta? Sige nga! Patunayan mo! Dahil Hindi mo naman nabibili ng buo Ang mga gamot ko at minsan di nakakain ng tama Ang mga kapatid mo dahil sa maliit Mong kita! Huminto ka nga sa pag-aaral Pero umaambon naman tayo sa utang!

"Nagrereklamo ba Kayo nay dahil maliit Lang yung kinikita ko? Na Hindi sapat yung tirang pera na binibigay ko sa inyo? Kasi ako nay, kahit nahihirapan na ni minsan hindi niyo ako narinig na magreklamo.

"Kulang victoria, kulang na kulang. Akala mo ba ikaw Lang Ang nahihirapan? Lalo na ako, nahihirapan ako ng sobra gayong nakikita kitang nahihirapan at gumagawa ng paraan para sa Amin ng mga kapatid mo na dapat ako Ang gumagawa! Kung Hindi ako nagkasakit nag-aaral ka sana ngayon sa kolehiyo pati Ang mga kapatid mo, nakakain ng masarap at mabuting pagkain higit sa lahat hindi tayo ngahihirap ngayon Kung Buhay pa Ang inyong itay. -naluluhang wika ng Inay niya

"Nandito na nay eh, Eto Ang binigay ng panginoon sa atin Kaya tanggapin natin Ito ng maluwag. Nay naman, magpasalamat tayo kahit Hirap sa Buhay kahit papano nagawa nating tumawid ng walang inaapakang tao yun Ang mahalaga.

"Naaawa nako sayo victoria, dapat ine-enjoy mo Ang kabataan mo Pero trabaho na Ang inatupag mo.

"Huwag niyo ako alalahanin nay Kaya ko Ang sarili ko, kayo po Ang dapat Kong alagaan Kayo ng mga kapatid ko. Kayo po Ang nagpapatatag sa akin at gawin Ang dapat at tama. Hayaan niyo po't Kung makaipon ako at maka luwag luwag ay bibili ako ng buo niyong gamot at maghahanap tayo ng malilipatan. Alam ko pong nahihirapan Kayo sa maliit na lugar na ito.

"Si renato. Hayaan mo siyang tulungan ka, siya Ang magpapa-aral sayo---

"At Ang kapalit ay magpakasal sa kanya? Nay Hindi ko magagawa iyang sinasabi ninyo. Kahit anong pilit niyo sa akin ay Hindi Kaya ng konsensya ko. Sorry po Pero Hindi ko susundin iyang gusto niyong mangyari. Kailangan ko na din pong umalis may dalawang batya pa ng labada Ang naghihintay saken. -saad niya at mabilis na lumabas ng bahay

Kahit Nung disi-sais pa lang siya ay nirereto na siya ng inaY niya Kay renato na siyang matanda sa kanya ng labin limang taon.

Nagsimula naman kasi Ang reto reto na iyan sa kapitbahay nilang si lumi na nakapangasawa ng isang mayamang piloto, pareho sila ng katayuan sa Buhay at ng ikinasal Ito ay gumanda Ang Buhay na siya ding gustong mangyari ng inay niya.

Hanggang ngayon na disi-nuebe na siya ay bukambibig pa din ito ng inay niya sa kanya, nauumay na din siya Pero binabalewala na Lang niya dahil ayaw niyang nagagalit sa kanya Ang inay niya.

May sakit ito na tuberculosis sa buto, Hindi na Ito makalakad at palaging sumasakit Ang buto. Kahit sa murang edad ay nagawa na niyang magtrabaho dahil Hindi na silang kayang buhayin ng Kanilang inay.

Nakatapos siya ng high school Pero Hindi naka tuntong sa college dahil kailangan na niyang magtrabaho since siya Ang panganay sa magkakapatid. May dalawa siyang kapatid na Sina stella at sam na parehong nasa grade five na, kahit hirap siya ay Hindi niya hinayaang huminto ang mga Ito sa pag-aaral sapat na sa kanya na siya Lang ang hihinto.

Tama nga si inay, Kung Buhay pa Ang itay Nila ay Hindi sila mahihirapan Pero Maaga itong kinuha dahil sa sakit sa puso. Maayos naman Ang Buhay nila noon, isang nurse sa munisipyo Ang Kanilang inay habang inhinyero naman sa Kabilang Bayan ng buenavista Ang Kanilang itay ngunit nawala lahat Ang naipundar ng mga Ito dahil sa sakit ng inay niya.

Ang saklap ng Buhay niya, salat sila sa salapi at lubog sa kahirapan ngunit patuloy pa din siyang lumalangoy para mabigyan ng magandang kinabukasan Ang kanyang mga kapatid at magandang Buhay Ang kanyang inay.

Tuwing umaga ay naglalako siya ng kakanin na kinukuha niya pa Kay aling rosita, sa bawat kakanin ay may isang piso siyang nakukuha.

Pagka-hapon naman ay naglilinis ng maruruming kubeta ng mga suki niyang may-ari ng di kalakihang restaurant at nakakakuha siya dalawang daan sa bawat paglilinis.

Sabado at linggo naman ay labada Ang inaatupag niya ng isang May kayang pamilya pati na din ng ilang border na kapit bahay nila Kung saan nakakagawa siya ng tatlo hanggang apat na daan.

Masasabing siya Ang babaeng walang pahinga Pero Hindi niya ininda Ang sakit ng katawan At mag reklamo man Lang dahil tanging nasa isip niya ay Ang mag-ipon at may pantawid sila sa Araw araw.

Minsan gusto ng bumigay Ang katawan niya sa sobrang pagod Pero isang inom niya Lang ng gamot ay nawawala din naman sa awa ng diyos.

Mas gusto niyang pinaghihirapan Ang isang bagay kesa sa madaliang nakukuha. Mataas kasi Ang prinsipyo niya at may dignidad siyang pinanghahawakan, mababa man Ang uri ng trabaho niya May ipagmalaki pa din siya.

Kaya Hindi niya Kaya Ang gamitin at magpakasal Kay renato para umangat, ayaw niyang magpatali Kung walang pag-ibig na naka sentro doon at higit sa lahat sagrado Ang matrimonya ng kasal hindi Ito Basta basta.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang