Chapter 19.

11.2K 314 6
                                    

Siya...

Babe,

I'm very sorry for what happened, I did not mean to do so.

I promise to make it up with you.

But I'm sorry again that I have to go, main office in Manila needs me.

I'll be back, I promise not to stay long.

I love you, please don't get mad.

Blade

"Iyang mga ngiti na iyan mula sa iyo at Ang biglang pag kislap ng kasiyahan diyan sa mga mata Ang nagpapabatid sa akin Ang dahilan na siyang ikinagugulo ng emosyon na nararamdaman mo. -wika ng inay Niya na nangingiti

Pumikit siya, Bakit Hindi Niya Alam na nakangiti na pala siya habang binabasa Ang maikling sulat ni blade?

At Ang pucha, Ang Ganda ng sulat kamay! Daig pa yung kanya!

Tanginang piloto.

Ang Dali niyang magbigay ng sama ng loob Pero Mabilis Niya din itong naiwala.

Ang bilis. Nakakaloka.

Bakit Kung si blade Ang bilis mag shift ng emosyon Niya?

Ng Dahil sa Sigaw nito sumama loob Niya at ng Dahil din sa sulat nito ay bigla na lang nawala na parang bula? Tangina, pasensya na kayo Kung Ako ay palamura.

"At iyang ngiti at malalim ninyong mga salita inay ay tila May Ibig sabihin. Batid ko din na naging malalim kayo ngayon? -wika Niya

Huminga Ito ng malalim,

"Puro bunganga ko Ang naririnig mo Dati, puro reklamo at Kung Ano pa. Ngayon gusto kong ituwid Ito at maging Ina sa inyo na nakalimutan ko simula ng nawala Ang inyong itay at nagkaron Ako ng sakit. Sa mga nalalabi Kong mga araw gusto kong ipagpatuloy at maging Ina sa inyong magkakapatid. Gusto kong suportahan kayo sa Kung Ano man Ang gusto ninyo, gusto ko kayong gabayan hangga't sa makakaya ko higit sa lahat gusto kong iparamdam sa inyo na mahal na mahal ko kayo----

Wala na. Kung kanina siya Ang umiiyak ngayon naman Ang inay niya, pati na din siya ay tuluyan ng umiyak sa sinabi nito.

"Patawad anak. Patawad sa lahat. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito Ang lahat Pero handa naman din Ako Sa mangyayari, Ang iniisip ko lang Ikaw. Kayo ng mga kapatid mo.

"Kakayanin ko po para sa inyo inay.

"Alam Kong Kaya mo victoria Pero Ang inaalala ko ay Ito. -wika ng inay Niya sabay Turo sa Taas ng dibdib Niya

Napatigil siya at Hindi maintindihan Ang tinutukoy ng Ina.

"Wala naman po Akong diperensya sa puso inay---

"Wala nga Ang inaalala ko ay Kung Kaya mo ba Ang sakit Hindi sa pagkawala ko kundi Ang sakit na dala ng pag-Ibig kapag nasasaktan. Iyan Ang gusto kong ipa-intindi sa iyo anak kanina pa Pero Hindi mo makuha kuha.

"Pa-pag-ibig?! -natulala niyang wika

"Nagsisimula na kasing umusbong Ang pag-ibig, sumisibol na nga Hindi mo pa Alam.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now