Chapter 10.

13.4K 295 2
                                    

Papano na...

Simula ng bumalik si blade ay naging tahimik na Ito, di Niya maintindihan Kung bakit Pero May parte sa loob Niya na tila sumasakit na parang may tinutusok-tusok sa loob.

Kinakausap Niya man din Ito o kapag may gusto siyang tanungin Pero tipid Ang sagot nito sa kanya Kaya tumahimik na lang din siya at umupo sa sofa.

Kung kanina ay magkatabi at nakadikit silang nakaupo ngayon ay parang may dalawang pulgada Ang layo Nila sa isa't isa, gusto niyang magsalita at tanungin Kung ok lang ba Ito Pero nakita niyang nakapikit na ito at tahimik na natutulog.

Kailangan na din niyang umuwi muna para kunin Ang mga gamit na kakailanganin Pero Hindi Niya Alam Kung gigisingin Niya ba si blade o hayaan na lang, para sana mag-paalam sandali.

Iniisip Niya din na wala siyang Iniwan na pera sa mga kapatid para pang almusal, dagdag pang may pasok Ang mga ito.

Bigla niyang naisip si makoy Kaya Dali Dali siyang tumayo at dahan dahang binuksan Ang pinto para lumabas.

Naging mabilis Ang kanyang hakbang papuntang nurse station at hinanap agad ng mata niya si makoy na Naka-upo at may ginagawa sa harap ng computer.

"Makoy! -Sigaw Niya na siyang ikinalingon nito

"Oh? Victoria Anong atin? Gising naba si Aling Vicky? -tanong nito at madaling tumayo

"Tulog pa. Hihingi sana Ako ng pabor Kung pwedeng bantayan mo muna si inay? Uuwi muna Ako saglit para kunin Ang mga gamit na kakailanganin dito tsaka asikasuhin ko muna Ang dalawa Kong kapatid na naiwan.

"Sure! Teka yung kasama mo kanina, Diba si renato iyon? 'Yung piloto na laging bukambibig ni Aling Vicky?

"Ah eh oo siya yun. Nga pala, di naman Ako magtatagal.

"San yon? Iniwan ka?

"Natutulog sa may sofa, ayaw ko ng istorbohin. Wala pa yun tulog tsaka galing pa sa trabaho.

"Astig. Mukhang type ka nun ah? Galit na Galit, kala Niya siguro aagawin kita sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, tinulungan Niya lang talaga Ako na dalhin si inay dito. Aalis na Ako makoy, di rin Ako magtatagal Kasi Baka magising na din si inay.

"Sige. Mag-Ingat ka. Ako na munang Bahala Kay Aling Vicky.

"Salamat talaga makoy.

"Walang problema. Para saan pa't naging mag kapit bahay tayo.

Mabilis siyang bumaba sa ground floor at pumara ng tricycle, since masyado pang maaga ay madali siyang nakarating sa lugar nila. Habang tinatahak Ang maliit na eskinita Papasok sa kanila ay kumunot Ang noo Niya ng makita Ang nagkukumpulan na mga kapit bahay at tila natataranta.

"Emong! -Sigaw Niya sa lalaking walang pang itaas

"Naku Victoria! Kailangan mo ng Mag-empake! Ito na Ang araw na kinatatakutan nating lahat! -Sigaw nito at mabilis na tumakbo

Mabilis siyang tumakbo, Wala na siyang pakealam Kung nakakasakit na ba siya o nababangga Dahil gusto niyang makarating agad sa maliit nilang bahay.

Lumaki Ang mata Niya ng makitang nakaupo sa harap ng bahay Nila Ang dalawa niyang kapatid habang nasa tabi ng mga Ito Ang mga gamit Nila na tila inayos na ng dalawa.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon