Chapter 42.

10.6K 276 4
                                    

Puti...

NASA isang puting jar na gawa sa porselana Ang abo ng inay Niya, may mga puting bulaklak na nakapaligid at katabi nito Ang isang portrait niyang larawan Kung saan nakangiti Ito at kuntentong kuntento. Natatandaan Niya Ang larawan na iyon, iyon ay kuha sa graduation Niya nung elementary. Yung panahong Wala pang nararamdaman Ang kanyang inay.

Napag pasyahan na sa garden ng mansyon Nina blade gawin Ang misa at Ang konting salo-salo, Hindi Niya expect na dadating pa Ang apat na pinsan ni blade kasama Ang mga magulang nito.

Nahiya tuloy siya sa inasta Niya kahapon.

Gaya ng pagtanggap sa kanya ng magulang ni blade ay ganun din Ang pagtanggap ng mga Ito sa kanya.

Talagang Ang swerte swerte niya Dahil may mga Tao pang katulad Nina blade na tinanggap siya at Ang dalawa niyang kapatid kahit Hindi sila mag kadugo. Kahit nakidikit lang sila sa mga ito.

Yun nga lang malaking isipan pa rin Ang pakikitungo ni Vince sa kanya.

Kaninang umaga na nga lang sila nakauwi galing batangas, Dahil pagka-Alis ng hospital kahapon ay hinatid siya ni blade kasama Ang mommy nito pati ang dalawa niyang kapatid pabalik sa hacienda para dun maghintay habang si blade, Ang daddy nito at mga pinsan ay nasa villa para hintayin Matapos Ang mahabang proseso ng cremation.

Pareho silang lahat na kulang sa tulog, sobra sobra na Ang kanyang hiya Dahil sa abala Niya sa mga ito. Gustuhin Niya mang asikasuhin ang dapat na gagawin Pero ayaw ni blade Dahil mas maiging I-komfort Niya Ang kanyang mga kapatid, Dahil mas kailangan daw siya ng mga Ito.

"Gagawin ni ate Ang lahat para maging Ina at ama at sa inyong dalawa. -wika Niya kina Stella at Sam na Parehong nasa tabi niya

"Huwag mo kameng iwan ate. Baka Kasi ipa-ampon mo kame o Ipa-Migay. -saad ni Sam

"Ikaw talaga. Hindi mangyayari yon habang nabubuhay pa si ate. -tugon Niya dito

"Masaya ng magkasama sina inay at itay ngayon Diba ate? -saad naman ni Stella

"Oo naman, masayang masaya. -tugon Niya ng naiiyak

"Mali ka ate, Ina lang Ang magiging role mo Dahil si Kuya blade Ang ama. -Sam

"Tama, tapos tayong dalawa Ang mga Anak Nila. -Stella

"Kayo talaga. Basta mag-aral kayo ng Mabuti ha? Huwag niyo akong bigyan ng sakit sa ulo.

"Opo ate. -saad ng dalawa

Niyakap Niya Ang dalawa ng mahigpit at nakangiting tumingin sa larawan ng inay Niya na tila nakangiti din sa kanya.

"Mamimiss ka namin inay. Nakakalungkot lang isipin na hanggang sa huling sandali ng buhay ninyo ay Hindi ko man lang nasabi Kung gaano ko kayo kamahal. Mahal na mahal na mahal ko po kayo inay. Hayaan niyo po, kakayanin ko lahat para sa inyo ni itay, gagawin ko Ang lahat para kina Stella at Sam. Pipilitin ko pong maging matatag kahit na hanggang ngayon Hindi pa din Ako makapaniwala na Wala na kayo sa piling namin. Alam ko pong masaya na kayo ngayon kapiling ni itay, gabayan niyo po sana kameng magkaka-patid sa tamang direksyon at lahat ng Aming gagawin. Hanggang sa muli nating pagkikita inay.

Nawala Ang tingin Niya sa larawan ng kanyang inay ng makita si blade sa harap Niya, kumawala na sa kanya Ang dalawa niyang kapatid at pagkuway si blade naman Ang niyakap Niya ng mahigpit.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now