Epilogue

25.6K 655 72
                                    

A/N: Woah! Mentally drained but emotionally satisfied!
Pano ba iyan? Abang abang na po tayo, Kasi on going na po Ang loving the barumbad-ass!

Thank you for waiting dearies!

❤️QueenSaranghe
-----------------------

Five years then...

Hindi ko akalain Na Sa loob ng limang taon ay nagawa ko Ang aking mga pangarap--- mga pangarap Na dati'y napaka hirap at kay layong abutin.

Nagsumikap ako para ituloy Ang aking pag-aaral Sa kolehiyo kahit matindi yung paglilihi Ko Sa panganay namin ni blade.

Hindi ko alintana Na kahit malaki yung Tiyan ko ay patuloy pa din ako Sa pag-aaral, wala akong pakealam Sa paligid gayong simula ng lumaki Ang aking Tiyan ay naging laman ako ng tsismis ng mga school mates ko Na akala'y nagpa-buntis o nabuntis ako ng kahit Na sino lang.

Pero to the rescue naman si blade ng maimbitahan itong maging speaker ng skwelahan namin, gaya nung pinakilala niya ako Sa mga empleyado niya ay ganun Na ganun niya ding ina-nunsyo Sa lahat Na ako Ang maybahay niya.

May mga Hindi naniniwala kasi never akong nagpa-punta o nagpa-Sama Kay blade Sa skwela dahil gusto kong ako Ang gagalaw Sa bawat papeles o ano pang kailangan gawin Sa eskwelahan ng walang tulong niya.

Sobra sobra pa ngang nagalit si blade ng malaman niyang pinag pye-pyestahan ako ng kapwa studyante ko ng Hindi ko man Lang sinasabi o sinumbong Sa kanya.

"Damn it babe! Bakit Hindi mo sinabi saken?

Ayaw ko ng gulo at gusto ko ng matiwasay Na Buhay Kaya Hindi ko pinatulan kahit Na sobra sobra Ang pagtitimpi ko, inaalala ko din Ang Anak namin Sa aking sinapupunan. Ayaw Kong maging dahilan ako para mawala siya Sa Amin, Kaya nagawa Kong lunukin lahat ng pag paparinig, tisimiss, matatalim Na titig at Kung ano anong mga masasakit Na salita at paratang Sa akin ng wala namang katotohan.

Wala silang alam Sa naging Takbo at kwento ng Buhay ko Kaya Malaya silang pinag tsi-tsismisan ako, minsan gusto kong lumaban dahil Alam ko Sa sarili ko Na may nasa katwiran ako pero Sa huli ay napapa-isip din ako. Na Kung papatulan ko naman ay mas lalo Lang din nila akong pagpyestahan.

Tumigil nga Lang Ang tsismis ng dahil Kay blade, galit Na galit Ito. Instead Na magdeliver si blade ng inspiring speech as speaker, pinagbantaan nito Ang skwelahan for tolerating students Na puro tsismiss Ang ginagawa instead of focusing on their studies. Pinagbantaan din nito Ang skwelahan Na Hindi siya tatanggap ng OJT Sa airline galing Sa mismong skwela Kung Hindi Nila ako kayang respetuhin.

"The woman you are making fond of gossips, and make her your laughing stock is my wife! And she's carrying my child! And if anything will happen to both of them, you all know what I can do. I will make your life miserable in just a snap of my finger. So don't dare, don't you ever dare make me mad, don't you ever push my button 'coz you don't like it when I'm mad.

What will you expect with these people? Blade is a successful businessman, mayaman, piloto, kilala at isa Sa matunog Na pangalan Sa industria and people think that me as his wife is just using him for everything.

Huminto ako ng isang sem para manganak sanhi ng pagiging ire-gular student ko, baby girl Ang naging panganay namin ni blade at Nang sumunod Na sem ay itinuloy ko Ang aking pag-aaral. Bumalik ako Sa skwelahan Na parang walang nangyari, Na ni minsan ay Hindi Nila ako pinagpyestahan. Kung victorina Ang tawag Nila Sa akin noon ng pagbalik ko Mrs.aristocrat Na at Ramdam Na ramdam ko pag-iingat Nila Sa akin.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now