Chapter 48.

12.9K 336 10
                                    


Salamat...

Mga Ala una y medya ng Matapos Ang celebrasyon ay dumaan pa muna sila sa opisina ni blade Dahil may pinirmahan pa ito na mga papeles, mahigit alas tres na ng hapon ng matapos Ito at Dali Dali na silang gumayak Dahil Wala silang Iniwan na susi ng bahay kina Sam at Stella na uuwi ng alas kwatro.

Wala pang twenty minutes ay nakarating na sila Kaya agad siyang tumungo sa kusina para paglutuan ng meryenda Ang dalawa at Dumretso naman si blade sa Taas para magpalit damit.

Pancake Ang niluto Niya at nilagyan ng maraming cheese na talagang gustong gusto ng dalawa at Nagtimpla din siya ng juice. Nang matapos sa ginagawa ay umakyat na din siya para magbihis Pero Dali Dali ding bumaba pagkatapos ng marinig Ang tinig ng dalawa na papasok na sa gate.

Nang makita siya ng dalawa ay agad siyang sinalubong ng halik sa pisngi at maingay na kinukwento Kung Ano Ang nangyari sa buong araw Nila sa ekwela.

"Gusto ko ngang upakan ate eh, Kaso Baka pagalitan Ako ni Kuya blade. -sumbong ni Sam

"Hayaan mo na Huwag mo na lang patulan. Babae yun, Hindi tama na Ang isang lalake ay nananakit ng babae. -wika Niya at pinaupo na Ang dalawa para mag meryenda

"Tomboy yun si krising ate, Hindi babae. -segunda ni Sam

"Kahit na. Babae pa din iyon. Baka nga may gusto iyon sayo Kaya nagpapa-pansin. -ngiting saad Niya

"Nakalipstick ka yata ate? -puna ni Stella

"May nilakad kame ni ng Kuya blade ninyo. -wika Niya

"Did I just heard my name? -saad ni blade na pababa na ng hagdan

"Kuya! -Parehong Sigaw ng dalawa at Dali Daling tumakbo para halikan din Ito sa pisngi

Tumawa na lang ng mahina ng nagsimula na namang ikwento ni Sam at Stella Ang nangyari. Masaya siya Dahil pati mga kapatid Niya ay close na close Kay blade.

"Meryenda na muna kayo habang mainit pa. -wika Niya

Agad namang tumalima Ang tatlo at umupo, bahagya pa siyang napaigtad ng kurutin siya ni blade sa bewang sabay kindat.

"Amputa. Umayos ka. -saad Niya

"Ah kuya? Nagyaya kasi yung isa Kong kaklase Na si teryang---

"Si teryang? -saad ni Sam

"OO, nagyayang mag sleep over Sa kanila mamaya. -Stella

"Pwedeng sumama? -tanong ni Sam

"Crush mo nga pala si teryang, pwede siguro kasi May kasama man din kameng mga kaklase Na lalake. -Stella

"Sleep over Na may mga lalake? -tanong ni blade

"Kasi kuya parang sleep over Na din yun, tatapusan namin yung project namin Sa science. Isang grupo po kame, Hindi naman kame matutulog ng Sabay Sa mga lalake.

"Anong oras naman uwi niyo bukas? -wika ko

"Maaga din po ate, before 6 nandito Na kame kasi may pasok pa ng alas syete. -Stella

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon