Chapter 2.

21.3K 496 3
                                    


Taranta...

Isang maingay Na umaga Ang siyang nagpagising sa tulog Na tulog niyang diwa. Ngunit kumunot agad Ang noo niya ng marinig Ang tawag ng inay niya kasabay nun Ang pagpasok ng kapatid niyang si stella sa maliit niyang silid.

"Ate! Ate! Gising Na! Bilis, gumising kana ate! May bisita ka! -tarantang wika ng kapatid niya 

"Oh? Si aling pacita na naman ba? Sabihin mo bukas ng hapon ko pa babayaran Ang utang ko sa kanya. -walang gana niyang wika Sabay takip ng unan sa mukha

"Ate! Hindi si aling pacita, Si renato Ang nandyan!

"Ano?! -gulat niyang wika at napabangon

"Siya Ang bisita mo ate. Tsaka Ang mga kapitbahay nating mga chismosa at usisero kanina pa nasa labas ng makitang dito si renato tumungo. -sumbong ni Stella

"Anak ng tipaklong! Bakit---

"Victoria Anak, ayusin mo Na Ang sarili mo. Nariyan Ang manliligaw mo. -malaki Ang ngiting saad ng inay niya na paika ikang naglakad patungo sa Kama niya

"Inay bakit niyo naman pinapasok---

"Hahahahaha! Kuya renato naman! -dinig niyang halakhak ng kapatid niyang si Sam sa labas ng Sala

"Hindi ako, si sam. Si Sam Ang nagpa-pasok Kay renato dito. Na gulat din naman ako Pero kasi bisita mo siya. -ngiti uli ng inay niya

"Inay naman. -buntung hininga niya Sabay simangot Na Hindi nakaligtas sa paningin ng kapatid niya si Stella

Ngumiti Ito at pagkuway tumayo Na kasabay ng inay niya Na lumabas sa maliit niyang silid. Agad siyang kumuha ng unan at tinakip sa mukha at duon nagsisigaw sa inis.

"Huwag Mong ipahintay Ang bisita mo---

"Kiber ko ba sa kanya nay? Sino ba naman Ang nagsabi na pumunta siya ng maaga? Kitang natutulog pa yung tao. Ito na nga Lang Ang araw na natyempuhan ko para magpahinga ngayon pa siya pupunta dito? Pakisabi na Lang nay na matutulog----

"Victoria! Hindi ganyan Ang pagpapalaki ko sayo. Magalang na bumisita dito yung tao pwes magpakita ka din ng galang sa kanya. -wika ng inay niya kahit na nakatalikod na Ito sa kanya

"Pero inay----

"Huwag mo akong galitin sa asal mong iyan victoria.

Kapag ganun na Ang Tono ng inay niya ay kinakabahan na siya, Kaya sa huli padabog siyang tumayo at kinuha Ang tuwalya na nakalagay sa ibabaw ng aparador niya at nakalabing lumabas para dumeretso sa banyo ng hindi nilingon Ang isang pares ng mata na kanina pa naghihintay na makita siya at kanina pa galak na galak ng marinig Ang mga pinagsasabi niya.

Mabilis siyang naligo at Dali daling nag-ayos dahil kahit sa loob ng banyo ay dinig na dinig niya Ang masayang tinig ng kapatid niyang si Sam at ng inay niya.

Alam niyang kahit Hindi sabihin ni Sam ay gusto nito si renato para sa kanya, Pero Hindi niya kaya Ang gusto ng mga ito para makaahon.

Nasasaktan din naman siya sa kapag ganung pinipilit siya Pero Hindi niya na Lang pinapakita o isinasatinig dahil mas lalo Lang lalala Ang sitwasyon.

Bakit ba kasi bentang benta sa lugar nila Ang mga piloto?

Hayan tuloy pati siya ay biktima ngayon.

"Congrats artista kana. -sarcastic niyang wika ng makaupo sa harap ni renato pagkatapos magayos ng sarili

Ngumisi ng nakakaloko Ang huli at titig na titig na siyang nagpa-ilang ng bonggang bongga sa kanya.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon