Chapter 21.

12.5K 320 13
                                    

Surprise...

Tahimik lang Ang hapag kainan, lahat tahimik na kumakain siya naman ay Hindi maubos ubos Ang pagkain sa plato. Naasiwa siya sa tingin na pinupukol ni blade sa kanya at sa bandaid na nasa kanan niyang daliri.

"What the heck happened to your finger babe? -Hindi na nakatiis na saad ni blade na may halong pag alala

Umangat siya ng tingin Pero Hindi Niya Ito direktang tinignan, Sa tanong na iyon ay napatigil din Ang mga kasama Niya at tumingin din sa kanya.

"W-Wala to. -tipid niyang tugon

"Sa sobrang excited ni ate na makita ka Kuya---

"Sam! -Sigaw Niya

"Totoo naman ate eh, sobrang natataranta ka Ayan tuloy daliri mo Ang nahiwa Hindi Ang gulay. -segunda ni Stella

"Stella naman. -wika Niya Kay Stella at pinaglakihan ng mata

Tumawa lang si blade sa tinuran Niya at nahuli Niya pa itong kumindat sa dalawa niyang kapatid na ngayon ay kasabay na nito sa pagtawa.

"Ano bang pinakain mo diyan sa dalawa at Bakit sayo pa sila pabor na pabor? Ako itong kapatid Nila----

"Cotton candy ate, Ang Sarap nga eh. Tig I-isang bag kame ni Stella. -tuwang tuwa na wika ni Sam

"Ang ta-takaw niyo sa cotton candy, sa Kuya makoy niyo Hindi naman kayo ganyan ah? Naku---

Napatigil siya sa pagsasalita ng marinig na tumahimik, nag-angat siya ng tingin sa mga Ito at narinig Ang pag-tikim ni blade.

Napabuntung hininga na lang siya ng maalala na inis na inis Ang huli Kay makoy lalo na ng malaman nito diretso sa mga kapatid Niya na niligawan siya nito Dati.

"Tama na iyan, tapusin niyo na Ang mga pagkain ninyo ng sa ganun ay makapag-paghinga kayo ng maaga. Pagod na tiyak itong si Renato. -saad ng inay Niya

Ganun pa man Hindi nakaligtas sa kanya Kung gaano kaganado sa pagkain si blade, Naka Ilang sandok din Ito ng puchero at Ilang beses na naglagay ng Kanin sa pinggan na tila Hindi naka-kain ng mabuti nung nakaraang araw.

Sino ba naman Ang maka-kakain ng mabuti Kung may matindi kang iniisip at obligation lalo na't sayo nakasalalay Ang kaligtasan Hindi ba?

"Ang Sarap mo talagang magluto, pasadong pasado. -ngisi ni blade sa kanya ng Matapos silang Kumain

Nasa labas na sila ng bahay ngayon, may maliit na lamesa at apat na upuan Kasi si blade sa labas na gawa sa narra malapit sa garage.

Nasa taas Ang tingin Niya at nalulula sa dami ng bituin na nakikita.

"Gago. Joke ba iyan? -saad Niya ng Hindi tinatanggal Ang tingin sa Taas

"Totoo Ang Sarap Kaya, mas masarap pa kesa sa luto ni mommy.

"Oh? Talaga? -wika Niya at saka pa lang siya tumingin dito

"You've been avoiding my gaze since I arrived, why? -takang tanong ni blade pagkuway

Nagsitayuan Ang mga balahibo Niya sa narinig,

"H-huh? Hin-d-di ah. -wika Niya at inangat uli Ang tingin sa Taas

Narinig Niya malalim na buntung hininga ni blade Kaya tumingin siya dito ng makahulugan.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon