Chapter 25.

12.2K 323 5
                                    

Queens...

"Mahilig din pala sa matatamis si blade. -tugon Niya habang dahan dahang naglalagay ng icing sa cup cakes

"Sa red velvet lang Iha, mapa cake man o cup cakes. Diyan sa matakaw, Kaya pag aralan mo paano magtimpla ng ganyan. Tuturuan kita, hayaan mo bukas kapag papayag si blade ipapahatid kita sa kanya dito bukas.

"Naku nakakahiya naman---

"Iha Huwag kang mahiya, magiging parte kana ng pamilya.

"Pero tita Hindi pa naman kame mag kasintahan ni blade.

"Mommy. Call me mommy, Hindi pa? Ibig sabihin malapit na? -ngiting saad nito sa kanya ng natigilan sa Sinabi Niya

Namula siya sa Sinabi nito at mas lalong nakaramdam ng hiya Kaya tinuon Niya lalo Ang attensyon sa ginagawa.

"Akala ko nga Wala ng ipakilala iyang si blade sa Amin at tatandang binata na lang yata Mabuti na lang talaga at nagkaron siya ng lakas na loob na lapitan ka. Lagi na lang kinukulit Ang daddy Niya at dun sinasabi Ang tungkol sayo at si Rodrigo naman Ano Ano Ang tinuturo Kay blade, mga lalake nga naman Pero Mabuti na din iyon ng makapag settle na si blade. 35 na siya at kailangan na niyang magkaroon ng sariling pamilya, aba'y tumatanda na kame syempre gusto na din namin ng apo! -excited na saad nito

"Napakabait po ni blade tita, Wala akong masabi. Nagtaka na nga lang po Ako ng bigla na lang siyang dumating sa buhay ko ng ganun kadali, Pero mas nabigla Ako ng sa pangalawa naming pagkikita ay pag-Ibig na agad Niya Ang sinasabi sa akin. Napaka bilis po ng pangyayari. -panimula Niya

Habang nagkwe-kwentuhan sila ay unti unti ng nawawala Ang kaba na nararamdaman Niya at napapalitan ng excitement. Unti unti na ding gumaan Ang loob Niya dito lalo pa't Ang lambing lambing nito sa kanya.

"Mabuti't nagkaron siya ng lakas na loob kundi Baka naunahan na naman siya.

"Gaya nung Kay lady Marie tita?

"Naunahan siya Kasi Ang kupad kupad Ayan tuloy na-Inlove si lady Marie Kay Dwaine. Pero naniniwala Ako na talagang Hindi sila para isa't isa Kasi Kung nagkatuluyan sila Hindi Ikaw Ang nasa tabi ko ngayon at paniguradong sakit sa ulo pa din iyang si blade Hindi na magbabago.

"Ano pong Ibig ninyong sabihin? -natigilan niyang saad at hinihintay Ang sasabihin nito

"Barumbado, basagulero lahat lahat na nasa Kay blade. Sakit sa ulo, Pero ng nasaktan siya Kay lady Marie at nakulong ng tatlong araw Dahil may ginawa siya na siyang ikinagalit ng pamilya ng babae ay saka pa natauhan at bigla na lang Sinabi sa daddy Niya na aalis siya ng Bansa, na mag-aaral dun para maging piloto. Kita mo naman ngayon, naging successful siya. Nagulat na nga lang kame ng siya na mismo Ang nagpatayo ng sarili niyang airline ng walang hiniling na Ano mang tulong sa Amin. Dun Niya binuhos lahat sa trabaho at sa airline Ang attensyon Dahil sa sobra siyang nasaktan pati nga kame Hindi Niya magawang tawagan o umuwi man lang dito. Hanggang sa isang araw tumawag na lang siya dito at sinabi sa daddy Niya na nasa isang lugar siya na tingin Niya ay dun na siya titira habang buhay, naging Sunod Sunod Ang komunikasyon Niya sa amin hanggang sa sinasabi na Niya na parang may nagugustuhan siyang babae Pero Hindi niya maabot Dahil sa masyado pa nga daw bata.

"Bakit Hindi Niya sinasabi Kung saan siya tita? Bakit Hindi Niya kayo tinawagan?

"Gusto Niya siguro ng privacy Iha Kaya hinayaan na lang namin ni Rodrigo tsaka may mga mata din naman kame sa labas na nakabantay sa kanya Kaya panatag Ang loob namin. Kagabi nataranta kame ng Sinabi niyang ipakilala Niya ngayon Ang babae ng tinutukoy niya, napakasaya namin ni rodrigo Dahil sa wakas nakita na ni blade Ang kaligayahan niya.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now