Chapter 22.

12.2K 320 8
                                    

Marie...

"B-lade. -wika Niya at madaling hinawakan ang braso nito

"Are you ok? Namumutla ka. -tarantang wika ni blade at madali siyang pinaupo sa bangko ng opisina nito

Nasa maynila na Sila sa opisina nito mismo Sila unang Dumaan dahil may kukunin daw Ito na papeles na ibibigay sa ama.

Isang Oras Lang naman ang Byahe Nila sa himpapawid pero kanina pa gustong bumaligtad ang sikmura Niya at hilong hilo siya.

"Hinde. Gusto kong sumuka, sobra akong nahilo sa byahe. -wika Niya na nanlalambot

Kung kanina bago umalis ay magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman Niya ngayon ay iba. Dahil pinagpapawisan siya ng malamig, nanginginig at nanlalata ang pakiramdam Niya.

First time Niya kasing bumyahe sa himpapawid at higit sa lahat first time niyang sumakay ng eroplano.

Madali siyang inalalay ni blade patungo sa maliit na banyo nito sa opisina, ng makita Niya Ang inidoro ay agad siyang kumaripas ng takbo at sumuka ng sumuka. Nanlalata siya at Wala ng lakas Kaya napaupo siya pagkatapos magsuka at sinapo Ang ulo.

"Kailangan mo na munang magpahinga babe, we go hotel now. Mom and dad can wait. -wika ni blade at inaayos Ang hibla ng buhok Niya

"Naka-kahiya naman---

"No. Mas Mabuting magpahinga ka kesa naman direcho tayo doon na ganyan yung pakiramdam mo. I'll give them a call.

Inalalayan siya nito patayo at dinala sa labas Kung saan naghihintay sina Stella at Sam, si Lucille ant Ang inay niya.

Bibong bibo Ang mga kapatid Niya at bakas na bakas Ang kasiyahan sa Mukha ng inay Niya, nagtataka siya Kung Bakit di man lang nahilo Ang mga Ito gayong Pareho lang sila na first time na sumakay ng eroplano?

"Kumusta na Ang pakiramdam mo Anak? Nahihilo kapa ba? Teka, Lucille kunin mo nga yung vicks sa loob ng bag ko tapos ipahid mo sa tiyan at ulo Niya ng sa ganun ay gumaan Ang pakiramdam ni Victoria. -mahabang saad ng inay Niya ng makita siyang papalapit habang inaalalay ni blade

"Para akong naubusan ng lakas inay. Nahihilo po Ako. -saad Niya ng maka upo sa tabi nito

"Nilalamig ka at namumutla pa. Sa byahe iyan, Hindi ka sanay Anak.

"I'll go get warm water. -wika ni blade

Tanghalian na ng dumating sila ng hotel, habang nakahiga ay dinig niyang umo-order ng pagkain si blade sa telepono. Ang kwarto na kinaroroonan Niya ay konektado sa kwarto ni blade, kasama Niya si Stella, Lucile at Ang inay habang si Sam at blade naman Ang magkasama sa Kabila.

"Kaya ko naman magluto blade. -wika Niya na nakahiga

Sumenyas si blade sa kanya na nakikipag usap pa sa kabilang linya, tumango na lang siya at binaling Ang attensyon sa kabuuan ng silid na iyon.

Buong buhay Niya ngayon lang siya nakahiga sa malambot na Kama, mala sosyal na kasangkapan, Naka-kain ng masarap na pagkain at maaliwalas na kapaligiran. Isang marangyang buhay na gusto niyang ibigay sa kanyang dalawang kapatid at sa inay Niya Kaya nagta-trabaho siya ng husto para maibigay Ito Pero Hindi sapat. Hindi naging sapat Pero nang dumating si blade--- unti unti nang natitikman ng mga Ito Ang karangyaan na Dati ay Hindi Nila maabot.

Gayun pa man, Ang laki laki na ng utang na loob Niya Kay blade.

Sa gamot ng inay Niya, bayad Kay Lucile, pagpapa-aaral sa mga kapatid Niya, sa pagkain Nila at pang araw araw ay lahat sagot ni blade. Kulang at Hindi sapat Ang salitang Salamat o thank you, habang buhay na Niya yata itong dalhin lalo pa't ayaw ni blade ng Ano pa man na galing sa kanya ni ayaw nitong magpa bayad na siyang pina-ngako Niya dito na balang araw mababayaran Niya Ang lahat ng nagawa nito sa kanya. Nagagalit naman Ang huli kapag nagsasabi siya na magbabayad Kaya tumatahimik na lang siya.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now