Chapter 11.

12.4K 338 12
                                    

Hindi kita iiwan...

Isang malakas na hangin na siyang nagpatigil sa kanilang paglakad at nakaka-binging  tunog ng gulong na siyang lalong ikinabigla niya.

"Tangina! -saad Niya at napaubo Dahil sa alikabok gayon din sina Stella at Sam

Mabilis niyang nilapag Ang dalawang bag at susugod sana sa driver ng sasakyan nang tumigil siya ng makita Kung sino Ang nakatayo sa harap Nila na Naka-kuyom Ang kamao at malalim na malalim Ang titig sa kanya.

"B-blade. -saad Niya

Nagulat naman sina Sam at Stella ng marinig Ang salita na lumabas sa bibig ni victoria, nagkatinginan Ang dalawa at tahimik na nagmamasid.

"Where do you think you going? -matigas na saad ni blade

"M-agh--ahanap ng-- mati-tirhan? -nauutal na wika niya sa Hindi malamang dahilan

Umigting Ang panga ni blade sa narinig at pumikit pagkuway malalim na bumuntung hininga sabay dilat uli ng mata.

Nahihiya siya. Nakikita Niya Kasi sa kulay brown nitong mga mata Ang pagod at kulang sa tulog ngunit nakikita Niya din Ang determinasyon doon.

Tahimik itong lumapit sa kanila at walang kahirap kahirap na Kinuha Ang dalawang malalaking bag na hirap niyang kinarga kanina, binuksan nito Ang sasakyan sa may likuran at nilagay Ito doon na ikina-kunot ng noo Niya.

"A-nong Gina-gawa mo blade? -tanong Niya

Tumingin lang Ito sa kanya at kinuha Ang dalawang karton na tig-isang karga karga Nina Stella at sam.

"Blade? -wika Niya uli

Di pa din siya nito pinansin ng bumalik at parehong inalalayan sina Stella at sam papasok sa sasakyan nito.

"Blade! Ano ba! -Sigaw Niya

"What? -wika nito pagkatapos isara Ang pinto ng sasakyan

"Bingi ka ba? Tinatanong----

"Are you referring to your self? Bingi kaba ng sinabi Kong Hindi kita iiwan at simula ngayon ay obligasyon at responsibilidad na kita at Ang pamilya mo? -wika nito sa salitang tagalog na siyang ikinahina ng tuhod Niya

"P-ero---

"At iniwan mo din akong mag-Isa sa hospital kasama Ang lalaking nurse na yon? Ng walang pasabi sabi? Babe, you should have told me that you want to go home. -Tiim bagang wika nito

"Ayokon-g storbohin ka, gusto kong magpahinga ka at higit sa lahat malaki na Ang Naitulong mo sa akin.

"You can disturb me anytime, anywhere! 'Coz I am willing to do anything you ask for! Ok lang na istorbohin mo ako, ok lang sa akin. Tangina! You scare the hell out in me! -namumulang wika ni blade

"Blade. Pagod kapa galing sa trabaho mo, dinistorbo ka pa namin tapos Hindi kapa naka-kain ng hapunan Dahil doon. Gusto ko lang naman na magpahinga ka,babalik naman sana Ako agad Pero Hindi ko Alam na madadatnan ko pa Ang panibagong pagsubok----

"Hindi Ako pagod Natakot lang Ako nang magising na Wala ka sa kwartong iyon, natakot Ako na Baka kinuha kana ng lalaking nurse na kausap mo kanina. Natakot Ako na Baka mahuli na naman Ako at mawala ka saken. I'm scared, I'm hella afraid. -he said at marahang pumikit

Parang may isang mainit na palad Ang humaplos sa kanyang dibdib at higit sa lahat Hindi Niya kayang pigilan Ang nagbabadyang luha na kanina Niya pa pinipigil na makita ng dalawa niyang kapatid Pero Kay blade--- napakadaling ipakita Ang emosyon Niya.

"I'm sorry. -nakatingalang wika Niya dito

"Damn! -natarantang wika ni blade ng makita siyang umiiyak at madaling kinulong sa mga bisig nito

"Sorry. -wika Niya uli

"No. No. You don't have to say sorry. I should say sorry for my sudden outburst. Don't cry please, please. I'm sorry.

"Natatakot din naman Ako blade. Hindi ko na Alam Ang gagawin eh.

Tuluyan na siyang humagulgol sa mga bisig nito.

Akala Niya Kaya niyang maging matatag Pero Hindi pala Dahil ramdam Niya Ang sakit na dulot ng pagsubok ngayon sakanila.

Akala Niya kaya niyang lumaban Pero mas nananaig pa din Ang kahinaan at emosyon Niya.

Akala Niya Kaya niyang gawin Ang lahat Pero hindi naman Kaya at lalong Hindi sapat.

Papano na siya? Sila ng mga kapatid Niya Kung walang isang Renato na biglang dumating sa buhay nila?

"Una si itay, ngayon naman si inay. Wala na. Wala na din kameng matitirhan. Wala na. Nawala na lahat. Ano pa Kaya Ang susunod? Nakakapagod na Kasi, nakakabanas na din at lalong napakasakit sobra. Tangina, Bakit sobra sobra na? -wika Niya habang lumuluha

"I'm here. I will not leave you. -wika nito sa malambing na boses na mas ikinaiyak Niya lalo

Ang lakas ng epekto ni blade sa buong systema niya, lalo na sa bawat salita nito na may  kalakip na assurance at determinasyon.

"Stop crying please, my heart wants to shatter in pieces seeing you cry like this. Babe please.

"Akala ko Ang tapang tapang ko na, Akala ko kayang kaya ko lahat pero---

Mas lalong humigpit Ang pagyakap Niya Kay blade na parang naghahanap siya ng lakas doon.

"You're the bravest and strongest woman I know.

"Hindi ko pala kaya blade. Hindi ko Kaya.

"That's why I'm offering my self to you, i will help you for everything. We can do it together, we can face the future together. Just let me in, hayaan mo akong pumasok sa buhay mo. Hayaan mo akong tulungan ka, Hindi Ako humihingi ng kapalit at Wala akong intensyon na masama kundi Ang tulungan ka sa lahat.

"Blade.

"Huwag na muna nating isipin sa ngayon Ang pag-ibig ko sayo, uunahin natin Ang inay mo. Sina Stella at Sam, Ang pag-aaral Nila. Kaya Kong maghintay.

"Paano kita pasasalamatan blade? Kung Wala ka Anong gagawin ko ngayon? Papano Kung---

"I love you. Dahil sayo Kaya ko ginagawa ito. Gagawin ko Ang lahat na ikapapanatag at ikasasaya mo. Hindi Ako mawawala sa tabi mo at Hindi kita iiwan. Tandaan mo iyan.

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Where stories live. Discover now