Chapter 38.

10.4K 307 14
                                    

Money...

"W-wala! -tarantang wika niya

"So nagwa-gwapuhan ka sakanila? -his voice was very ardent

"E-h kasi---

"Sigi nga, gusto kong mismo marinig Mula sayo ito.

"A-ng alin?! -kinakabahang saad Niya at nabitiwan Ang Hawak na sausage

"Babe, Look straight in my eyes and tell me Kung Ano Ang nakikita mo. Don't lie, be honest.

"H-huh? -naguguluhang wika Niya

"Look at me. Tell me. I want to hear it from you. I want you to say it.

"T-teka---

"Tell me honestly, damn it! Sabihin mo! I can't calm fuck! I want to break their bones! Dammit tell me! -tigas na saad ni blade na namumula

Dun pa siya natauhan sa tinuran nito.

Amputa.  Nagseselos ba to?

Tangina Kung kagwapuhan lang naman ay mas lamang naman talaga Ang pilotong to, yun nga lang talagang Hindi napigilan ng bunganga Niya kanina na sabihin na gwapo Ang apat niyang mga pinsan. Eh sa totoo naman!

"Tangina. Nasabi ko lang yun Kasi yun naman Ang nakikita ko. Hindi Kasi marunong mag sinungaling Ang mga mata ko, yun nga lang walang buto Ang dila ko Kaya nadulas.

"Why the fuck did you say----

"Blade Kung kagwapuhan--- Wala ng mas lamang pa kesa sa iyo, Kung meron man mas lamang pa ay Hinding hindi ko ipagpapalit Ang nakikita ko ngayon mismo sa harap ko. Nasabi ko yun Dahil totoo Pero itong nasa harap ko ngayon ang mas nagugustuhan Kong makita sa araw araw. Ang gwapo- hottie piloto ko.

She saw how his jaw turned how it used to be, the usual calm and chiseled. But he's still in crimson, cute though. She wants to smile but she remembers something and which is now the right time for her to tell him.

"Alam mo ba nung una tayong nagkita? Binulabog mo Ako ng napaka-aga?

"Y-yes. The day when I asked and prayed God to give me courage.

Ngumiti siya at binalikan Ang sausage, nasa gilid na Niya si blade at nakahawak na Ito sa malaking marshmallow para ituhog.

"Gwapong gwapo na Ako sayo nun, may ka-resemblance ka ngang artista eh.

"Are you telling me that para gumaan Ang loob ko?

"Gago. Totoo naman.

"Konswelo?

"Blade. Yung height mo parang Kay Richard Gomez, tindig at Ang katawan Pero mas hot ka pa dun pati iyang pagiging moreno mo, Pero yung mas kamukha mo eh si Joko diaz yun nga lang mas gwapo ka pa dun kasi aregladon areglado yung mukha mo kesa sa kanya.

Hindi naniwala si blade sa Sinabi Niya Kaya agap niyang Sinabi na pati si lady Marie ganun din Ang tingin sa kanya.

"That's absurd. Mas gwapo Ako kesa sa mga iyon.

"Sabi ko nga eh! Dun kana nga Kay Tito tsaka sa mga pinsan mo.

"Matagal ko na silang kasama babe, Ikaw nga--

"Blade isa! -wika Niya

"Ok. Ok. Tsk! I'll do whatever you say. -simangot nito at walang ganang nag lakad papunta sa daddy at mga pinsan nito na nagtatawanan

Binaling Niya Ang tingin sa dalawa niyang kapatid na nag e-enjoy sa pagligo, Hindi naman Niya kailanagang bantayan Ang dalawa Dahil nandun Ang dalawang body guards ng daddy ni blade.

Nang Matapos ay inabot Niya Ang mga sausages at marshmallows sa mommy blade Pero agad naman nitong Sinabi na dun I-diretso kina blade para pwede nang ihawin.

Tumalima naman siya papunta doon, agad namang dumako Ang tingin Niya sa grupo ng makita siya ni blade ay ngumuso siya sabay Turo sa karga niya. Agad naman itong lumapit sa kanya at kinuha Ang karga niyang mga sausages at marshmallows.

"Hi victoria! -ngiting wika sa kanya ni devian ng makita siyang papalapit

Tumingin muna siya Kay blade bago nginitian si devian.

"H-hello. -tugon niya

"May kaibigan ka ba na single? Pakilala mo naman ako oh. -saad naman ni xymon

"Na-ku Wala eh.

"Baket? Taken naba lahat? Sayang naman. -tugon ni xymon

"Wala akong kaibigan. Hindi ko hilig.

"Hanep. One of a kind. -wika nung jairus

"Stop it. -blade

"Ang swerte nga ni blade diyan Kay Victoria. Bukod sa mabait, maganda pa. -wika naman ng daddy ni blade

"But I still can sense that she's something. -agap na wika ni Vince sa kanya na hinuli Ang tingin Niya

Bigla niyang naalala yung Sinabi ni blade tungkol dito, Kaya tumingin siya Kay blade pagkuway nagpa-Alam ng umalis.

"Dun muna Ako kina inay at tita. Ikinaga-galak kong makilala kayo.

Nang tumalikod siya ay nagtawanan Ang mga Ito na agad namang narinig Niya Ang pagsuway ni blade.

"Gulay po tita? -wika Niya ng bumalik

"Ay oo nga pala. Gusto ni Rodrigo at blade na May ginisang gulay kapag may inihaw. Iha, pwede bang kunin mo sa loob ng refrigerator Ang mga gulay? Yung pu-pwede sa chopsuey o sari-sari.

"Pahingi na din Ako ng tubig Anak, yung maligamgam. -wika din ng inay

"Sige po.

Agad naman siyang nagtungo sa loob para kunin Ang mga kakailanganin Nila sa pagluto. Nang makarating sa kusina ay kinuha Niya Ang basket para panlagyan ng gulay at madaling binuksan Ang refrigerator.

Pakanta kanta pa siya habang pumipili ng gulay sa loob. Kalabasa, Sitaw, talong, okra at ampalaya Ang Kinuha niya. Inabot din Niya Ang Kamatis, bawang, sibuyas at bagoong para pang gisa.

May nakita naman siyang mantika, asin at seasonings sa labas Kaya hindi na Niya ginalaw Ang Iba. Kumuha din siya ng isang baso ng maligamgam na tubig para sa inay niya.

Akmang aalis na ay gulat na gulat siyang napatigil,

"What's with you Victorina Marie? -tanong nito at malalim na malalim Ang titig sa kanya

"A-Anong ibig sabihin mo Vince? -takang tanong Niya

"Bakit Ang pinsan ko? Anong ginawa mo sa kanya at nagawa mo siyang ipasunod sayo ng ganun lang kadali? -he asked again

"Vince Hindi kita maintindihan. -naguguluhang wika Niya

"You're too young, you're not good enough for blade.

"Vin---

" Tell me, is it because of his money?

Lumaki Ang mata Niya sa Sinabi nito, Dali Dali siyang lumapit dito at sinabuyan ng maligamgam na tubig Ang mukha.

Napa-awang naman Ang bibig ni Vince sa ginawa niya at nagmura pa ito na siyang ikina-Galit Niya lalo.

"Tangina. Kahit Mahirap lang kame hindi ko ugali Ang gumamit ng tao at higit sa lahat Hindi ko kailangan ng pera! Amputa, Anong tingin mo saken mukhang pera? Gago ka pala eh. Tangina mo! Mahal Ako ni blade at mahal ko din siya, nagmamahalan kame. Wala kang pakialam sa Aming dalawa Dahil pinsan ka lang-- pinsan! Amputa, Gusto kitang hambalusin ng isang daang durian. Swerte mo walang durian dito ngayon kundi basag na iyang pagmumukha mo na sobra sobra Ang galit sa mundo. God bless you! - Galit na Galit niyang wika at umalis ng humihingal

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon