Chapter 41.

11.1K 289 6
                                    

Pamilya...

Tahimik na lang siya sa gilid at natulala ng Sinabi ng Doctor na wala na silang magagawa pa para ibalik Ang inay niya. Tanging hikbi at iyak lang Ang naririnig Niya sa paligid at Ang salita ng mommy ni blade na kino-comfort Ang mga kapatid niya.

Kanina pa pinapahid ni blade Ang mga luha Niya gayong Wala na siyang maramdaman kundi Ang pang mamanhid.

Papano na sila ngayon?

Iniwan na sila ng inay nila.

Ano na Ang gagawin Niya?

"May two months pa Bakit ganun kadali? Dalawang linggo't mahigit pa nga Lang. -mahina niyang saad

Umalis Ang daddy ni blade kasama sina devian at xymon para asikasuhin Ang papeles at kakailanganin pang libing sa inay niya habang sina jairus at Vince ay nasa paligid lang Nila at nakamasid.

Nahihiya Na siya masyado dahil pamilya ni blade Ang kasa-kasama niya.

"She's brave and fighter like you babe. Nagawa Niya pang lumaban hanggang sa huling sandali Niya. -blade retorted

"Pupunta pa dapat tayo ng tagaytay bukas Diba? Diba blade? Bakit Hindi Niya hinintay yun? Edi sana nakita Niya Ang magandang tanawin na sinasabi mo, yung beach, yung lugar----

"Babe. Babe. It's ok, it's ok. Please stop crying, my heart aches when I see you cry. Please.

"Dalawang buwan pa naman. Bakit----- amputa. Hindi ako handa. Hindi pa ako handa Na mawala siya. -hysterical Na wika niya

"Iho, ako na. -dinig niyang wika ng mommy ni blade Na ngayon ay nasa tabi Na niya at hinahagod Ang likod niya at pinapatahan

Madali naman siyang kumilos at mahigpit Na niyakap ito, tuluyan Na siyang umiyak ng umiyak Sa balikat nito.

"May mga bagay Na Alam nating Hindi mawawala pero nawawala. Iha, maaring hanggang dito Na Lang talaga. Kahit ano pa Ang gusto nating gawin pero Kung oras Na at Hindi Na pwedeng pigilan. Nandyan naman Ang iyong inay palagi Sa puso't isipan ninyong magka-kapatid. Lagi siyang nandyan para ipa-alala Ang mga masa sayang araw ninyo Nung nabubuhay pa siya at gabayan Kayo Sa susunod Na yugto ng inyong Buhay.

Mas lalo siyang humagulgol Sa mga sinabi nito, wala Na siyang pakialam Sa mga taong nasa paligid niya. Dahil sobrang sakit, sobrang sakit Na mawalan ng isang ina.

Walang kasing sakit.

"Sige iha ilabas mo Lang ng Sa ganun at gumaan Ang pakiramdam mo. Hindi tama Na kinikip-kip mo Lang Sa iyan Sa sarili mo. Nandito naman kame, Hindi ka namin hahayaan-- Kayo ng mga kapatid mo. Pamilya--- iisang pamilya Na tayo.  Narito Lang kame para Sa inyo.

Nang pumasok sila Sa kwarto kanina ay puro dugo Ang kobre kama, namumutla Na Ang kanyang inay at wala ng malay.

Sabi ni Lucile habang nagpapahinga Ito ay bigla Na Lang nagsuka ng nagsuka, Hindi makahinga at biglang nawalan ng Malay.

Nang isugod nila Ito Sa malapit Na hospital ng batangas tanging nasabi ng doctor ay Dead on Arrival.

"Mahinang mahina Na Ang katawan ng pasyente, Hindi Na nito nakayanan. Aside Sa tuberculosis Sa buto, Malala Na din Ang cancer niya Sa baga. I'm sorry pero nagawa Na namin lahat ng aming makakaya.

"I go get something to drink. -dinig niyang saad ni jairus

"I'll go with you. -dagdag ni vince

Loving the Hottie-Piloto (Completed) 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon