I : The beginning

119K 3.6K 1.9K
                                    

WESLEY'S POV



"Five minutes left" 

Nang marinig ko yun ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Lagot na! Ano pa ang isasagot ko dito! Langya di ko na maalala yung pinag-aralan ko kagabi! Pasung kire naman oh! Hindi pa ako tapos! Langya anong lenggwahe to! Wala na akong naiintindihan! Napag-aralan ba namin to?!

Napatingin ako sa mga kaklase ko at maging silay mukha ng naglulupasay. 

Dahan-dahan kong kinalabit ang kaklase ko. "Prehhh anong answer sa test fourrrrr?" mahinang bulong ko.

"Wesley Legazpi! Eyes on your paper!" Biglang sigaw ni Prof kayat napakamot nalang ako sa ulo ko at ngumiti. Pag minamalas ka nga naman...

"May pinulot lang ho" palusot ko sabay pacute. Good combination wesley!

"Kung wala na kayong masagot ipasa niyo na tutal huling exam na yan ngayong semester" Maotoridad na saad ni Prof kayat nagsitayuan na ang iba. Lanjo dont go! wala na akong source!

Langya oo nga huling exam to pero ito naman ang pinakamahirap. Saan pupulutin ang pogi kong mukha pag nabagsak ako? buti nalang talaga at semestral break na after nito!

Bigla akong nakarinig ng isang malabong busina ng sasakyan. Agad akong napalingon sa bintana at laking tuwa ko nang makita mula sa malayo ang asul na van. Napangiti ako ng napakalapad at agad na napatayo. Nandito na sila!!!


Dali-dali kong ipinasa sa professor namin ang test paper ko at patakbong lumabas ng building ng university.

 Matagal-tagal na kaming hindi nakikita kayat excited na ako na muli kaming magkita!

- - - - - - - - - - - - -

"Hay sa wakas natapos ka narin sa exam mo" Sabi ni Cliff na nakasandal sa labas ng van sabay tingin sa relo niya. "Sa susunod hindi ka na namin hihintayin" Dagdag pa nito at agad pumasok sa loob ng van. Anong problema nun?

Napangiti nalang ako ng sarcastic. "Hi din bro! Nice ng pagbati mo ah!" Sigaw ko.

"Hayaan mo na problemado lang yan." Mahinang bulong naman ni Drew na kasalukuyang nagbabasa ng isang libro at agad na nakipag fist-bump sa akin.

"May period yata? hihi" Biro ko

"Wala. Pero yung relasyon nila ni Jammy may period na." Drew

Bahagya akong nadismaya sa narinig.

Wala na sila ni Jammy. Kung wala na si Cliff at Jammy, ibig sabihin magiging awkward na sila sa isa't-isa. Ibig sabihin din nun, may magbabago sa barkadahan namin. Aish!

"Langya sinabi nang wag shotain ang ka-barkada. Yan tuloy nasayang lang ang pagkakaibigan" mahinang bulong ko.

"Hayaan mo na. Nangyari na ang nangyari. Sana nga lang walang magbabago sa samahan nating lahat." Drew

Tsss. Malaki ang posibilidad na magiging bitter na ang dalawang yun sa isat-isa. Langya talaga tong si Cliff. Siguro di sasama si Jammy.

"Ano yang binabasa mo?" Tanong ko sabay silip sa libro ni Drew kaso nakakalula ang nakasulat, ayoko ng libro boset.

"Just some weird stuff" Tipid na sagot ni Drew. Ah, malamang tungkol na naman yan sa mga multo at kung ano-anong kababalaghan. Alam naming lahat na medyo mahilig sa supernatural na bagay tong si Drew, Sabi nila noon may third eye daw yang si Drew kaso bakit ganun dalawa lang ang nakikita ko? Aish ang korni ko talaga buti nalang walang nakakabasa ng isipan ko kundi pahiya ako.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon