XIII : Gone

52.9K 2K 499
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jamilla's POV

Lumapit ako sa telepono. Sasagutin ko na sana 'to nang bigla na lamang may mga brasong marahas na humila sa akin papalayo.

"Wag mo yang sasagutin!"

Muntik akong mapasigaw sa gulat ngunit nakahinga ako ng maluwag nang makitng si Gabriel lang pala kaso nakapagtataka, bakit parang takot na takot siya?

"B-bakit?" Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Jamilla magtiwala ka lang sa akin at kahit na anong mangyari wag na wag mong sasagutin ang tawag!" Sabi niya na para bang nagbabanta kayat agad kong hinila ang kamay ko papalayo sa kanya.

"Gabriel pati ba naman ikaw? Pwede ba litong-lito na ako! Ano ba talaga ang nangyayari?!"

Napailing-iling lamang si Gabriel at muli niyang hinila ang kamay ko at tumakbo ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo kayat bumangga ako sa likuran niya. Tiningnan ko kung bakit siya tumigil –Si Azrael pala.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Wika ni Azrael na nakaharang sa dinadaanan namin at napakasama ang tingin kay Gabriel. Ewan ko ba pero natakot ako bigla.

"Tsk, tsk. Gabriel naman eh sabi nang wag makialam"

Bahagya akong napabalikwas. Nakakagulat tong si Tanya nakatayo lang pala sa likuran namin.

"Azrael nasaan ba yung pinangako ninyong tulong?! Si Wesley biglang sumama ang pakiramdam niya!" Sigaw ko.

Tiningnan lamang ako ni Azrael sa mga mata. Nakakatakot, "Walang darating na tulong."

Wait What the hell?!

Biglang humakbang si Azrael papalapit sa amin ganun din si Tanya kayat pinatago ako ni Gabriel sa likuran niya habang humahakbang papunta sa gilid ng pasilyo.

"A-anong nangyayari?" Unti-unting namuo ang luha samga mata ko nang dahil sa pagkalito at takot.

"Azrael, Tanya pakiusap hayaan nalang natin sila" Wika na Gabriel na para bang nagmamakaawa. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Gabriel anong nangyayari? Natatakot na ako." Bulong ko.

"Wag kang mag-alala di kita pababayaan. Magtago ka lang sa likod ko" He assured me pero kahit ganun mas tumitindi parin ang takot ko. Im in a strange place with these strange people. Baka tama nga si Wesley, they might be psychopaths.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon