III : Passengers

70.7K 2.7K 776
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jamilla's POV

*BEEEEEEEP*

Nakakarinig ako ng walang humpay na busina ng sasakyan kasabay nito ang malakas na buhos ng ulan. Napakasakit nito sa tenga ngunit nakakaramdam din ako ng matinding sakit sa katawan ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Wala akong ibang makita kundi usok. Matinding usok.

Napakalabo ng paningin ko. Pilit kong tinitingnan ang paligid ngunit tanging kadiliman at katiting na liwanag lamang ang nakikita ko mula sa headlight ng van.

Gusto kong gumalaw ngunit nanghihina ako. Napakasakit ng buong katawan ko. Mas lalo ko nalang idinilat ang mga mata ko. Napailing-iling ako ng dahan-dahan upang maayos ang aking kamalayan.

N-naaksidente kami.... yun ang unang pumasok sa isip ko.

"Jamilla! Drew! Mikee! Cliff! SUMAGOT KAYO! GUYS! SUMAGOT KAYO!"

Bigla akong nakarinig ng walang humpay na pagsigaw mula sa labas.

Sigurado akong si Wesley yun.

"W..wes" mahinang bulong ko.

Sa kung anong dahilan ay hindi ako halos makapagsalita. Mumunting ungol at bulong lang ang nagagawa ko.

Labis akong nakaramdam ng takot nang mapagtantong nakahiga ako sa malapit sa mga bubog. Nakabaliktad ang van na sinasakyan namin!

Pilit kong iginalaw ang kamay ko ngunit may nasagi akong isang bagay. Lumingon ako upang tingnan kung ano ito at nakitang itoy si Drew. Wala itong malay at duguan malapit sa akin.

"We-wesley!" Bigla akong nakarinig ng mahabang sigaw na parang nanghihina. Si Mikee!

"Jamilla! Drew! Cliff!" Narinig kong sumigaw ulit si Mikee ngunit halata ang iniinda niyang sakit sa boses niya. "Sumagot kayo! Okay lang ba kayo?!" Dagdag pa nito habang umuubo.

"Putangina anong nangyari?" mahinang bulong ni Cliff na mistulang kakagising lang.

Muli akong napatingin kay Drew. Pilit kong inaalog ang braso niya. "Drew gising.. Drew... Drew!" Hinawakan ko ang pulso niya at pakiramdam koy nabunutan ako ng tinik ng maramdaman ang pagpintig nito.

"Jamilla abutin mo ang kamay ko!" Sigaw ni Wesley na nasa labas habang tinutulungan ako.

- - - - - - - - - - - -

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon