XII : Heartbreaker's Redemption

54.3K 1.6K 331
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tanya's POV

Nakita ko na namang kumurap ang mga ilaw kayat napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga nalang. Two down more to go....

Nakakapagod na, sana matapos nato.

Bigla kong narinig na may nagtatawanan sa dulo ng pasilyo na dinadaanan ko kayat dahan-dahan akong lumapit sa pinto upang makinig sa pinag-uusapan nila.

Teka si Gabriel ba yung naririnig kong tumatawa?

Mas isinandal ko ang ulo ko at nakumpirma kong silang dalawa nga ni Jamilla ang naririnig kong nagtatawanan. Parang ang saya nila. Infareness ba------ Hala! Baka naalala na ni Gabriel ang nakaraan niya! Patay!

- - - - - - - -

"Az! Az! Az!" Humihingal akong nakarating sa ground floor kung saan parating nakatambay si Azrael.

"Ang ingay mo, hindi ako pwet" As usual inisnaban na naman niya ako. Pag ako napuno hahablutin ko talaga ang baba niya at itatapon siya sa bangin!

"Sorry lang ha? Nag-aalala lang naman kasi ako baka kasi naalala ni Gabriel ang nakaraan niya" Sarcastic kong saad.

"Imposibleng mangyari yan sa mga oras nato tanya. Mangyayari yan pero hindi ngayon" Kunot noo niyang sagot.

"Eh paano kung malaman niya? Narinig ko silang dalawa ni Jamilla, Nagkakapalagayan sila ng loob! Nagtatawanan at Nagk-kwentuhan si Azrael! Alam natin ang kaugnayan nila noon!"

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Azrael ng sabihin ko yun ngunit agad niya yung itago at nagkibit-balikat ulit.

"Hindi niya malalaman kung hindi ka magsasalita" Seryoso ulit niyang saad na para bang tinatakot ako.

Aish! Di bale na nga! Malalaman at malalaman rin naman ni Gabriel yung past niya gaya namin pero sana wag niya munang malaman ngayon kasi baka gumulo ang ritwal. Pero.... naman eh! Kawawa rin sila kung matagal pang maalala ni Gabriel ang past niya. Huli na ang lahat pag-nagkataon. Nakakalito naman tong sitwasyon nila!

"Tanya" Biglang saad ni Azrael na nakatitig sa isang papaubos ng Hourglass.

"Ano?" tanong ko.

"Natatakot ka na ba sa ginagawa natin?"

Napaisip ako saglit.

"Hindi naman ako natatakot pero siyempre andun parin yung kaba. Hinding-hindi ako matatakot kasi malakas ang tiwala't paniniwala ko sa kanya..."

- - - - - - - - - -

Barney's POV

*Riing Riing*

Naririnig ko ang napakatinis na tunog ng telepono kayat agad akong nagising.

Antok na antok pa ako! Lintek! Distorbo sa tulog! Pero teka telepono ba talaga yung naririnig ko?

Bumangon na lamang ako at agad na nilibot ang paningin. Nagulat ako nang makita ko ang isang lumang teleponong kulay puti. Patuloy parin itong nagri-ring. Tangina! Baka sa sobra kong high di ko napansin na may telepono pala dito o baka high parin ako?

"Hello?"

Walang sumasagot sa kabilang linya. Mabigat na hininga lang talaga yung naririnig ko. Tangina ramdam kong mabaho ang hininga ng hinayupak nato.

"Sino to? kahit sa telepono lang naaamoy ko parin na mabaho ang hininga mo ungas!" Sigaw ko habang tumatawa.

"M-mark apo?"

Nakunot ang noo ko nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko ngunit natakot ako nang makilala ko ang boses niya... Isa siyang matandang lalake at kilalang-kilala ko sino siya...

"Lolo..." Napaiyak na lamang ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ng lolo ko.

"Lolo patawarin niyo po ako! Lolo hindi ko po sinasadya! Sorry!" Napahagulgol na lamang ako at paupong bumagsak sa sahig. Hinding-hindi ko makakalimutan ang naging kasalanan ko sa kanya. Halos araw-araw akong inuusig ng konsensya ko.

Malinaw pa sa ala-ala ko ang nangyari noon. Itinago ko ang postiso ng lolo ko para pag-tripan siya. Halos baliktarin niya ang buong bahay kakahanap nun hanggang sa inatake siya sa puso nang dahil sa sama ng loob na siyang naging dahilan ng pagkamatay niya. Hindi ko ginustong mangyari yun kayat halos masiraan ako ng bait nang dahil sa pagka-konsensya. Alam kong masama tong bisyo kong to pero wala akong magagawa kasi ito lang ang paraan para pansamantala kong makalimutan ang pagkamuhi sa sarili ko.

"Apo oras ko na talaga yun, wag mong sisihin ang sarili mo. Dumarating talaga ang oras ng tao"

Napahawak na lamang ako sa ulo ko at napahagulgol. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko ngayon ang lolo ko. Alam ng diyos kung gaano ko kagustong humingi ng tawad sa lolo ko.

"At ngayon apo oras mo na...."

Sobra akong nagtaka sa sinabi ni lolo kayat saglit akong natigil sa pag-iyak. Nakunot ang noo ko, "A-anong ibig mong sabihin?"

Bigla na lamang akong nanlamig sa takot at tumulo ang katiting na pawis sa aking noo.

Narinig kong ibinaba na ni lolo ang telepono niya. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang teleponong hindi ko mabitawan.

Bigla kong naramdamang may nakatayo sa likuran ko kayat dahan-dahan akong napalingon.

"Papatayin kita! Papatayin kita! Papatayin kita!"

May babaeng nakatayo sa harapan ko, takot na takot ako kasi duguan siya at wasak ang mukha. Hati ang kanyang labi pero paulit-ulit siyang sumisigaw. Nakakatakot ang boses niya kasi napakalalim na para bang hinugot galing sa lupa. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Gusto kong tumakbo ngunit pakiramdam koy nanigas na ang tuhod ko sa takot kayat sigaw na lamang ako ng sigaw.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko kayat agad ko itong hinawakan. Nahihirapan na akong huminga. Nasa harapan ko parin ang babae, takot na takot ako. Gusto kong tumakbo ngunit hindi na ako makahinga.

Bumagsak ako sa sahig na parang isdang iniahon sa tubig.

ubo ako ng ubo. Hindi ako makahinga! Gusto kong huminga!

"Yes! Yes! Wohooo! Yes! "

Unti-unting nagiging malabo ang paningin ko ngunit nakita kong tumatalon ang babaeng multo na para bang tuwang-tuwa....

Gustong-gusto kong huminga ngunit labis na ang nararamdaman kong sakit sa dibdib. Ubo lang ako ng ubo hanggang sa dumilim na ang lahat...

END OF CHAPTER 10

- - - - -- - - - - -

Super sorry sa super late and lame update. Bigla akong inatake ng topak eh. hahahaha.

Goodbye Barney! :)))

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

BJ2AF%

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon