VI : Devil Calling

59.1K 2.5K 600
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Third Person's POV

Diretsong plakda sa kama si Vince habang sapo-sapo ang ulo't-mukha niya nang makapasok sa kwarto. Sa sobrang pagod at sakit sa katawan ay hindi na niya ininda pa ang pobreng kagamitan at estruktura ng kwartong tinutuluyan. Bumukas ang pintuan at agad na pumasok si Barney na may napakalapad na ngiti sa kanyang labi.

"Pre may naka-survive pa o!" Masayang anunsyo ni Barney habang hawak-hawak ang isang stick ng sigarilyo at isang lighter.

Dali-daling umupo si Vince at inagaw ang sigarilyo mula sa kanya.

"Uy teka akin yan!" Reklamo ni barney ngunit di siya pinansin ni Vince kayat napabuntong hininga na lamang siya.

"Mas kailangan ko to, masama ang pakiramdam ko" Mahinang bulong ni Vince sabay lagay ng hindi pa nakasinding sigarilyo sa bibig niya. Muli niyang sinapo ang mukha niya. "tangina bakit ang init!" Reklamo niya na para bang iniinda ang matinding sakit sa katawan.

"Itulog mo nalang yan gago.Mabuti nalang talaga at nangyari tong aksidenteng to malayo sa siyudad, kundi lagot tayo sa mga pulis dahil malalaman nilang high tayo" Wika ni Barney sabay singhot ng natitirang puting powder sa kanyang daliri. Lango ang dalawa sa ipinagbabawal na gamot at alak. Ito din ang naging dahilan kung bakit sila bumangga kanina sa sinasakyang van ng grupo nila Wesley.

Sinubukang sindihan ni Vince ang sigarilyo ngunit laking inis niya dahil walang apoy na lumalabas mula sa lighter. "Tangina, kasing sira mo yata tong lighter mo eh!" Asik nito sabay tapon ng lighter. Tumayo si Vince at muling sinapo ang ulo niya.

"O saan ka pupunta?" Tanong naman ni Barney.

"Maghahanap ng lighter bwisit" Galit nitong saad at agad na umalis.

"Bahala ka basta ako dito lang ako, nakakatakot sa labas eh" Mahinang bulong naman ni Barney.

- - - - - - - - - - - -

"Saan ka pupunta?" Pambungad na tanong ni Azrael nang mamamataan niyang bumaba ng hagdan si Vince.

"May lighter kayo?" Arrogante nitong saad.

"Kung ako sa iyo magpahinga ka nalang sa taas" Muling saad ni Azrael at nakipagpalitan ng masasamang tingin kay Vince.

Napangisi lang si Vince. "What a bitch" Ismid nitong saad. "Wala akong mapapala sa inyo" mahinang bulong nito at nagpatuloy hanggang sa malaking pintuan ng mismong hotel.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon