V : Weird and Worse

69.8K 2.5K 1.3K
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamilla's POV

Napakadilim ng paligid ngunit nang dahil sa liwanag ng buwan ay bahagya kong naaninag ang mukha ng isang lalakeng may matikas na tindig, nakasuot siya ng isang mahabang balabal na nakatalukbong ng bahagya sa ulo niya. Napaka-sungit ng dating niya dahil hindi man lang siya ngumingiti nakatingin lang siya sa amin na para bang kinikilatis kami ng mabuti Nakakakilabot siya maging ang buong lugar pero desperado na kami.

"Hey do you have a fvcking phone?!" Sigaw ni Vince at agad na humakbang papalapit sa lalake. Walang modo talaga si Vince.

Ayaw naming sumama ang loob ng lalaki sa sa amin kayat dali-dali naming hinila si Vince at sa halip ako nalang ang nakiusap.

"M-mawalang galang na po, K-kailangan namin ng tulong! Nabangga yung sinasakyan namin wala na kaming ibang mapupuntahan tapos yung kaibigan namin inaapoy sa lagnat, Makikituloy sana kami hanggang sa dumating ang ambulansya" Mautal-utal at maluha-luha kong saad dahil sa sobrang lamig ng kapaligiran. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha dahil sa wakas may mahihingan na kaming tulong.

"We promise to pay you" Mikee pleaded

Narinig kong bahagyang umubo si Wesley "Siya lang nagsabi niyan" kayat agad ko siyang siniko.

Saglit na namayani ang katahimikan, naghihintay kami sa susunod na sasabihin ng lalake ngunit Isa-isa niya lang kaming tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Sundan niyo ako at kahit na anong mangyari wag kayong hihiwalay." Walang-emosyon at ma-otoridad niyang saad. Nagsimula siyang maglakad papasok sa bayang napakatahimik at napapalibutan ng mga malalaki ngunit napakalumang bahay. Para siyang yung mga haunted house sa pelikulang napapanood ko kasi walang mga nakabukas na ilaw, oo nga may mga poste sa iilang bahagi ng bayan kaso parang napakaluma na rin ng mga ito.

Hindi ko alam pero natatakot akong pumasok sa bayang to.

Ang iba ay napabuntong hinga at nagsingitian sa tuwa ngunit ako, nakatingin lang ako sa likuran ng lalakeng papalayo. He's so weird.

"O ano pang hinihintay mo?" Tanong sa akin ni Wesley

Nagsimula na pala silang maglakad samantalang ako heto nakapako parin sa kinatatayuan ko. Napailing-ling nalang ako at naglakad nalang din.

Lakad lang kami ng lakad pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Si Wesley na daldalito ay surpresang naging tahimik din. Sa totoo lang ayoko sa bayang to, masyadong tahimik na para bang walang nakatira.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon