II : Warning

90.4K 3K 1.3K
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JAMILLA'S POV

"♫We like to sleep all day and day and party all night! This all we like to live our life♫" Sabay-sabay kaming limang napasigaw bilang pagsabay sa saliw ng musikang naririnig namin sa radyo.

Panay ang kantahan namin at pagkuha ng mga litrato.

Punong-puno ng tawanan ang buong sasakyan. Maging si Mikee na siyang nagd-drive ay hindi rin nagpapahuli sa pakikipagkulitan sa amin.

Binuksan ni Wesley ang bintana ng kotse at inilabas doon ang ulo niya at sigaw ng sigaw na parang isang takas sa mental kayat mas lalo kaming nagtawanan.

"Hoy para kang aso!" Sigaw ni Cliff at binato si Wesley ng ilang piraso ng chichirya habang tumatawa. Bigla siyang napatingin sa akin kayat saglit na nagtama ang aming mga tingin.

Masyadong awkward kayat dali-dali nalamang akong umiwas ng tingin.

Sa totoo lang hanggang ngayon, kahit niloko niya ako...Mahal ko parin siya pero yung galit, Hindi na yata mawawala yun.

Di kalaunay natapos na yung kanta sa radyo at napalitan ito ng bago.

♫Woah oh! You cheated on me!

You cheated on me whoa oh.

You fooled me once and I let you come home..

You fooled me twice now im letting you go♫

Napa-smirk ako bigla nang marinig ko ang kantang yun sa radyo.

Nakita kong ipinasok ulit ni Wesley ang ulo niya sa kotse. Yung sigawan at tawanan naman ay biglang humupa at bigla itong napalitan ng hindi kaaya-ayang katahimikan.

Nagpatuloy parin ang kanta, Relate na relate ako sa lyrics.

at alam kong pare-pareho kami ng naiisip ngayon.

"Awkward...." Mahinang bulong ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.

Nakita kong umayos si Cliff sa pag-upo at dali-daling pinindot ang radio system ng sasakyan. Sila kasi ni Mikee ang nakaupo sa harapan. Kami kasing tatlo ni Drew at Wes dito sa likod.

Ngunit parang nananadya yata ang universe, Biruin mo naman kasi, Kahit na ilang ulit na itong pinindot ni Cliff ay hindi parin lumilipat yung station ng radio.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon