IV : Shelter

65.2K 2.6K 505
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MIKEE'S POV

Dala ang cellphone na nagsisilbing gabay namin sa dilim ay tinahak namin nina Wesley at Cliff ang napakamadilim at maputik na daan.

Walang kongkretong daanan sa parteng to, walang mga bahay. Tanging kakahuyan lamang.

Bigla akong nakarinig ng kaluskos kayat pinatigil ko sina Wesley at Cliff sa paglalakad.

"Ang sakit ng abs ko bwisit"

nang marinig namin yun ay itinutok namin ang flashlight sa hindi kalayuan at nagulat kami nang makita namin ang isang pamilyar na mukha.

"B-Barney!" Magkasabay kaming napasigaw nang mapagtanto naming si Barney ang matabang lalaking nakahiga sa lupa at nakasandal ang ulo sa isang puno. Duguan ang noo nito at putok ang gilid ng labi.

kita namin ang gulat sa mukha ni Barney nang makita kami at bahagya siyang napahinga ng maluwag. Napahawak siya sa dibdib niya. "Kayo lang pala! Punyeta wag kayong manggulat!" Asik niya.

"Hoy Barney wala kang abs! Puro bilbil yang katawan mo!" Sigaw ni Wesley at tinulungan si Barney na tumayo.

"Meron kaya akong abs mahiyain lang kayat nagtatago sa likod ng fats!" Barney

Biglang lumingon si Barney "Vince! Nandito sina Mikee! May makakatulong na sa atin!" Sigaw niya

Teka nandito din si Vince?

Napakaliit lang ng liwanag mula sa cellphone kayat hindi ko makita ang buong paligid.

"Bobo paano kami makakatulong eh maging kami rin naghahanap rin ng tulong" Cliff

Bigla akong nakaamoy ng kakaiba.

Alam ko kung ano ito... Alak.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Barney

"May kotseng bumangga sa amin. Nakita niyo ba sino yun?" tipid kong sagot gamit ang malalim kong boses at sinamaan ng tingin si Barney.

Agad siyang umiwas ng tingin na para bang natatakot sa akin. Napalunok siya. Tama nga ang hinala ko.

Narinig namin ang kaluskos mula sa di kalayuan hanggang tuluyang bumungad sa amin ang papalapit na si Vince. Duguan siya habang pilit na inaangat ang kanyang cellphone na para bang gustong makahagap ng signal.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon