VIII : The Other Reality

54.4K 2.5K 2.3K
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wesley's POV

Pagpasok ko pa lamang sa kwarto ay kinilabutan na agad ako. Yung totoo hotel ba talaga to o horror house? Ang luma kasi ng mga gamit at parang sira-sira na. Mga gagamba lang naman yata ang tumutuloy dito eh.

Nakaramdam ako ng sakit sa tuhod ko kayat naupo ako sa sahig. Shit! Anong nangyayari? Bakit ang sakit ng paa ko?

Bahagyang kumislap ang ilaw. Langya mapuputulan pa yata sila ng kuryente. Nandito daw yung mga bag namin kayat dali-dali ko itong hinanap. Kailangan na naming magbihis, basang-basa pa kami sa ulan.

Pagbukas ko sa bag ni Drew upang kumuha ng damit niya ay tumambad sa akin ang isang lumang librong may pamagat na The other reality. Weird..

Ay oo nga pala! Ito yung libro na binabasa ni Drew kanina. Tss, Weirdo talaga yung ugok na yun. Siguradong tungkol na naman to sa kung ano-anong kababalaghan at ka ek-ekan. Siguro sumali na talaga sa kulto ang lalaking yun...

Binuklat ko ng bahagya ang libro at namangha ako sa drawings, walang color pero ang ganda-ganda ng pagkaka-sketch ng mga creatures at monsters. Bwahaha! Ganitong mga libro ang gusto ko! Astig! Ano kayang kwento nito? Hohoho! Sana mystery!

Lumabas ako sa kwarto, Papunta na sana ako sa kwartong kinaroroonan nila Jammy kaso sumakit ulit ang paa ko buti nalang at nakakita ako ng isang mahabang sofa sa pasilyo. Umupo nalang muna ako at bahagyang bumuntong hininga. Nagpunta ako sa unahang bahagi ng pahina at nakunot ang noo ko sa nabasa. Psychopomps? Ano naman tong psychopomps? Parang psychopath lang ah? Astig!

Psychpomps are creatures, spirits, angels, or deities in many religions whose responsibility is to es --- Punyemas bayabas! Nakakabobo tong basahin! Dumudugo ang ilong ko! Mas mabuti pang enjoyin ko nalang yung drawings. mehehehe!

Nakuha ng atensyon ko ang isang drawing ng taong may tattoo na tatlong krus sa kanyang pulso. Sinasabi dito na ang tattoo na ito ay palatandaan ng pagiging psychopomp. Tangina wala na akong maintindihan.

"Wesleeeeey!" Laking gulat ko nang bigla na lamang tumabi sa akin ang baboy na si Barney sa sofa. Langya saan siya galing? Bat di ko siya napansin?

"Seryoso mo ata diyan ah? Porn ba yan?" Tanong niya ulit habang tumatawa. Nakita kong kinuha niya ang isang lighter mula sa bulsa niya at sinubukan itong sindihan.

"Baboy mo talagang baboy ka, ano kanina ka pa dito?" Tanong ko ngunit di niya ako sinagot. Concentrate na concentrate lang siya sa pinapailaw niyang lighter. Ilang sandali pay umandar ang lighter kayat parang timang si Barney na napasigaw sa tuwa.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon