XIV : Finale

51.5K 2.4K 1.4K
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Wesley's POV

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Napakaliwanag ng paligid dahil sa puting ilaw at palamuti sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang nasisiguro ko; Wala na ako sa lumang hotel ng vertigo.

"Clear!"

"Doc her heart rate is dropping!"

"Clear!"

May naririnig akong boses na nagmumula sa isang kwartong nasa harapan ko kayat tumayo ako upang malaman kung sino ito. Nakasara ang pintuan ngunit may maliit na salamin sa gitna nito kayat nagawa kong makita kung sino at ano ang nangyayari sa loob.

Nakaputi ang mga taong nakikita ko at lahat silay mistulang aligaga at tensyonado. Kung hindi ako nagkakamali, mga doktor at nurse sila. Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong may pinapalibutan silang isang babaeng nakahiga sa kama. Bigla akong kinilabutan nang mamukhaan ko kung sino ang babae.

"Jamilla lumaban ka!"

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam koy nagsitayuan ang balahibo ko nang makita ko si Drew na nasa loob rin ng kwarto. Nakasuot siya ng damit pampasyente, nakasandal sa saklay at napakarami niyang benda sa katawan.

"Clear!" Sigaw ng doktor at muling idiniin ang dalawang korteng plantsang bagay sa dibdib niya – Mga defibrilator.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakaramdam ako ng matinding kirot. Sinilip ko ang loob ng damit ko at nakitang napakapula ng dibdib ko na para bang napaso.

"Doc her heart rate is now stable." Wika ng isa sa mga nurse at nakita kong lahat sila'y nakahinga ng maluwag lalong-lalo na si Drew.

Maging ako'y natuwa sa narinig ko.

Mabuti naman at ayos lang si Jammy.

"Magkakaibigan nga talaga kayo"

Napabalikwas ako sa gulat nang biglang sumulpot si Azrael. Natatakot parin ako sa kanya kayat umatras ako papalayo.

"A-anong ginagawa ko rito? Anong nangyayari?!" Napasigaw na lamang ako habang nakayukom ang kamao ko.

Humakbang siya papalapit sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. Muli niya akong pinaharap sa salamin at magkasabay naming pinagmasdan ang walang malay na si Jamilla.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon