Prologue

130K 4.1K 730
                                    


VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION. 

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumunog ang isang makalumang telepono. Nasa dulo ng kwarto ang tanging telepono sa lumang bahay nato, napakadilim sa parteng yun ngunit may kung anong nag-uudyok sa akin na lapitan ito. 

Mabigat ang mga hakbang at hininga ko papalapit dito. Unti-unti kong iniangat ang telepono palapit sa tenga ko.

"H-hello" maalinlangan kong saad.

"Sylvester anak," Mistulang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses niya. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. "A-anak si Daddy mo to." Nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya kayat humigpit ang hawak ko sa telepono. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinahayaan ang pagragasa ng luha ko.

"Dad..." mahinang bulong ko.

"Anak makinig ka sa akin, kailangan mo ng umalis sa lugar na yan!" Tuluyang binalot ng kaba at takot ang puso ko nang dahil sa mga sinabi niya.

"Drew nandiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Narinig ko ang boses ni Jamilla na nasa likuran ko kayat agad kong ibinaba ang telepono at lumingon sa kanya. Nagulat siya nang makita akong luhaan. Magtatanong sana siya ngunit naunahan ko siyang magsalita.

"Kailangan na nating umalis dito bilis" Wika ko at kahit na hirap ay agad akong naglakad.

"Teka Drew anong nangyayari?" Tanong ni Jamilla ngunit di ko siya sinagot, kailangan naming makaalis sa lugar nato sa lalo't madaling panahon.

"Sylvester Andews! Anong nangyayari?! Akala ko ba di gumagana yung telepono dito?! Sino yung kausap mo?" Iritadong tanong ni Jamilla.

Muli akong lumingon sa kanya. 

"Nakaausap ko ang daddy ko" Tipid kong sagot.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Unti-unting bumuka ang labi niya na para bang natatakot. "D-drew, diba patay na ang...patay na ang daddy mo?" Mautal-utal niyang tanong.

"Matagal na" Sagot ko at nakita ko ang agad na paglaki ng mata niya dahil sa takot. " kaya nga kailangan na nating umalis dito!" dagdag ko pa.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon