Epilogue

77.5K 3.5K 1.3K
                                    


VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Drew's POV

"Ilang araw lang tayong di bumisita andumi na agad ni Wesley," Reklamo ni Jamilla at agad na inilabas ang mga tissue niyang dala, "Hoy Kwago tulungan mo ako dito!"

Agad akong napakamot ng ulo ko.

"Kwago? Wala akong pakpak paano ako magiging kwago?"

"Itanong mo sa mata mo" ismid niyang saad.

"Mata kong singkit bakit kwago?" sambit ko sa sarili ko ngunit sinamaan lang ako ng tingin ni Jamilla.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya ngunit tinapunan niya lang ako ng tissue.

"Oo na ikaw na ang singkit" ismid niya ulit na saad kayat napangiti na lamang ako.

"I Know right! Ang singkit ko talaga" Pang-iinis ko ulit sa kanya habang pinupunasan ang maduming lapida ni Wesley.

Hindi ko ugaling inisin si Jamilla. Trabaho yun ni Wesley noong nabubuhay pa siya pero ngayong dalawa nalang kaming natitira sa barkada responsibilidad ko na yata yun at isa pa iniinis ko siya ngayon para mawala yung pagiging awkward. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay di parin lubusang tanggap ni Jamilla ang pagkawala nila Clifford, Mikee at Wesley. Alam kong sa kaloob-looban ni Jamilla gusto niya paring umiyak ngunit tinatago niya lang yun sa pamamagitan ng pagsusungit at pagtawa.

Inaamin ko nasasaktan din ako sa pagkawala nila pero ganyan talaga ang buhay eh. May hangganan ang lahat at isa pa alam ko namang masaya sila kung nasaan man sila ngayon.

"Sylvester" Biglang saad ni Jamilla kayat natigil ako sa pagpupunas sa lapida ni Wesley.

"Andrews" tugon ko ngunit tinapon niya lang sa akin ang basahan na hawak niya.

"Peace Jammy! Baket ano ba problema?" Tinanong ko na lamang siya kasi baka dukutin niya pa ang precious eyes ko.

Biglang napa-cross ng kanyang braso si Jamilla at tiningnan ang paligid, "Bakit ganun? Pakiramdam ko may nakatingin sa atin. Ewan pero parati talaga akong nakakaramdam ng ganito."

Napangiti na lamang ako at napalingon sa likuran namin.

At hindi nga ako nagkamali kasi nasa hindi kalayuan si Wesley, masaya niya kaming pinagmamasdan habang naglalaro ng bola niyang apoy. Halata sa mukha niyang masaya siya habang sinasanay ang sarili sa bago niyang kakayanan bilang isang psychopomp.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon