VII : Dead and Gone

54.6K 2.3K 389
                                    

VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Third Person's POV


"Psst, Psst"

Nasa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog si Clifford nang marinig niyang may sumusutsot sa kanya. Mistulang malapit lang ang boses sa kanya kayat Iritado niyang kinusot ang kanyang mga mata. "Wesley papatayin kita pag di ka tumigil sa kalokohan mo!" Banta ni Clifford at muling bumalik sa pagtulog.

"Psst, Psst"

"Psst, Psst"

Sa inis ay agad na napaupo si Clifford sa kama at marahas na kinamot ang ulo niya. "Tangina Wes! Patu----------" Natigil sa pagsigaw si Cliff nang wala siyang nakitang ni-anino ni Wesley sa loob ng kanyang kwarto. "Tangina?" Mahinang bulong nito nang mapagtantong naka-lock ang kanyang kwarto, ibig sabihin wala ngang ibang taong makakapasok o nakapasok. Mistulang kinilabutan si Clifford sa isiping yun kayat nawala ang antok niya.

"Pssst"

Muling may sumutsot ngunit ngayoy mistulang napakalapit na talaga nito sa tenga ni Cliff. Ramdam na ramdam niya ang bahagyang hangin malapit sa kanyang tenga na para bang may bibig malapit sa kanyang tenga.Dali-daling napabalikwas si Cliff sa takot at tumakbo palabas ng kanyang kwarto.

"Cliff anyare sayo?" Natigil sa pagtakbo si Cliff nang tawagin siya ni Wesley.

Nasapo ni Cliff ang kanyang ulo, mabilis parin ang tibok ng puso niya dahil sa takot. "Langya para kang nakakita ng multo!" Pang-aasar naman ni Wesley na kasalukuyang nakaharap sa isang bahagi ng pader na animo'y isang bulletin board.

Napabuntong hininga lang si Cliff hindi niya alam kung ano ang mas masahol, Ang matalo ni Wesley sa asaran o ang multo. Nanguna ang Pride chicken niya, "G-gutom ako" Palusot nito dahil ayaw niyang matawag na duwag at isa pa iniisip rin niyang baka guni-guni niya lang yun o di kaya gawa ng makulit na imahinasyon.

Tumango lang si Wesley na para bang kontento sa sagot. "Cliff tingnan mo to" Wika niya sabay turo sa isang bulletin board na punong-puno ng mga news clippings at posters...Posters tungkol sa mga nawawalang tao sa loob ng maraming taon....

"Ano naman ngayon?" tanong ni Cliff habang pinagmamasdan ang mga news clippings tungkol sa kamatayan ng kung sino-sinong tao at sa iba't-ibang paraan.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon