IX : Distorted

54.3K 2.4K 1.4K
                                    

 VERTIGO IS PUBLISHED UNDER LIB CORP! PLEASE GRAB A COPY <3<3

(THE PUBLISHED VERSION IS BETTER THAN THE ONLINE VERSION.

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

WHAT YOU'LL ABOUT TO READ IS THE UNEDITED VERSION OF THE STORY)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tanya's POV

Nakita kong bumuntong hininga si Azrael habang nakatitig sa papaubos ng buhangin sa hourglass, "Dahan-dahan lang Azrael, baka mabasag ng baba mo ang salamin" biro ko ngunit sinamaan lang niya ako ng tingin. Eh kasi naman eh! Ang seryoso niya! Hmph! Bored na bored na talaga ako dito kasi parang walang kabuhay-buhay tong kasama kong to! ay wait... Oo nga naman pala.

"Umakyat ka, tingnan mo ano ang ginagawa nila" Utos na naman niya sa akin kayat tumango nalang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko.

Habang papaakyat ako ng hagdan ay may narinig akong umiiyak kayat bahagya akong kinilabutan. Ilang sandali pay nakasalubong ko si Manang Wasak. Di ko alam ano pangalan niya kayat manang wasak tawag ko sa kanya since wasak ang mukha niya.

"Manang anyare?" Tanong ko.

Noon natatakot ako sa mga Kaluluwa pero ngayon nasanay na ako. Sa dami ba naman ng kaluluwang di matahimik sa lugar nato, sinong di masasanay.

"Mga walang hiya. Mga walang hiya. Mga walang hiya. Humanda sila" bulong niya sa pagitan ng mga hikbi niya. As usual di na naman ako pinansin ni manang.

Nakakainis din tong mga multo dito eh, sila pa ang kinakausap sila pa tong di namamansin. Pero may mga multo din naman ditong di ko kayang kausapin, gaya ng mga poltergeist. Mga multong nanakit. May issues kasi sila sa mga sarili nila. Sheesh.

Naaninag ko sa di kalayuan si Wesley. Nakatingala lang siya sa kisame habang tawa ng tawa na paturo-turo pa.

"Tanya ng buhay ko!" Biglang sigaw niya nang makita ako. Tawa lang siya ng tawa habang nakataas ang baba. Anong nangyari sa mortal nato?

"Tanya nakita mo ba si babes ko?" Agad nakunot ang noo ko. Babes?

"Ha? Sinong babes? Hoy okay ka lang?" tanong ko ngunit humagikgik lang siya habang hawak-hawak ang tiyan niya. Naku nasiraan na nga talaga ng bait

"Yung panget na biak ang mukha! papa-selfie ako! Tayo nalang selfie dali lapit!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang cellphone niya. Tss, di niya ba napapansin na di yan gumagana?

Aish! Ano kayang nahithit ng ugok nato? Sayang pogi sana kaso parang baliw. Iniwan ko nalang siya doong inaabot ang mga butiki sa dingding.

Nilibot ko ang mga palapag at pasilyo. Yung matabang lalake nasa kwarto na niya, naririnig ko na ang napakalakas na paghilik niya.

Vertigo  |  Published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon