3: Kidnap

62.6K 1.6K 152
                                    

PART 3: KIDNAP

Meagan's Point of View

Isa siyang napaka laking putangina! Sobrang laking peste na bigla na lang sumulpot sa maganda at nananahimik kong buhay! Isa siyang malaking buwisit at isa ring malaking gago. Ayoko nang makita ang pagmumukha niya kailanman! Talagang buburahin ko na siya sa mundo kapag nagtagpo pa kami ulit!!!!

"Anak, nakita mo na ba kung sino ang bagong lipat diyan sa abandonadong bahay sa tapat natin?" Bungad na tanong sa 'kin ni Mommy pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Hindi pa man din ako nakakaupo sa upuan, ibinungad na niya kaagad sa 'kin 'yang kuryosidad niya patungkol sa tumira sa abandonadong bahay sa tapat ng sa 'min.

"Hindi pa po." Tipid na sagot ko.

'Yon nalang ang isinagot ko para hindi na masundan pa ang usapan. Wala ako sa mood dahil sa pangyayari kanina.

Naghubad na ako ng sapatos at saka 'yon inilagay sa lagayan ng mga sapatos namin.

"Ang sabi ng isa pa nating kapitbahay na si Ate Neli mo, magandang lalake raw." Sabi pa niya at sumisilip-silip pa sa pintuan para matanaw ang katapat na bahay na kasalukuyan pinagbababaan ng mga gamit na inihatid gamit ang isang malaking truck.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong makisilip. Sa dami ng lalakeng nagbababa ng mga gamit, ang hirap tukuyin kung sino ang maninirahan sa bahay na 'yon.

"Ikaw, Mommy, isusumbong kita kay Daddy, ipinagpapalit mo na siya." Nakangusong sambit ko sa kaniya. Mukha kasi siyang interesado roon sa lilipat.

"Tingnan mo itong batang ito oo. Tinitingnan ko lang naman kung papasa ba siya sa 'kin nang maireto ko naman sa 'yo." Sabi niya. Hindi pa rin niya tinitigilan ang pagsipat doon sa labas. "Nasaan kaya diyan ang lilipat? Excited na akong makita siya."

Napakunot ang noo ko sa kaniya. "May balak po ba kayong ibugaw ako?"

"Oo, anak. Seventeen ka na kasi pero wala ka pa ring ipinapakilalang boyfriend sa 'kin."

Hindi ko mawari kung nalulungkot ba siya o ano. Napasapo na lamang ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"Wala akong hilig sa love love na 'yan, Mommy. Sakit lamang sa ulo 'yan." Tinanggal ko ang unang dalawang butones ng aking uniform at saka panandaliang naupo at isinandal ang katawan sa sofa.

"Sus, baka naman itinatago mo lang sa 'kin yung lalake mo. Mas mabuti nang ipinapakilala mo rito sa bahay ang boyfriend mo kaysa naman sa labas kayo naghaharutan."

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

Seriously?!

Iniisip niyang may boyfriend ako at this young age?!

"Promise, Mommy, wala po talaga akong natitipuhan, as in never. Aakyat na nga po ako sa kwarto ko, gusto ko po munang magpahinga." Tumayo na ako at nag-iinat pa ng leeg nang may bigla akong may maalala kaya naman napaharap muli ako kay Mommy. "Saka nga po pala, Mommy, yung sasakyan mo raw po sa wednesdaypa matatapos ang pag-aayos."

"Okay, sige. Sinabi na rin naman sa 'kin 'yon ng Tita Olga mo. Magpahinga ka na, mukha kang in-stress ng limang tao."

Actually, mag-isa lang siya Mommy.

Pumanhik na ako sa kwarto ko. Mabuti pa rito, makita ko lang si Taylor Swift sumasaya na 'ko. Nakakawala talaga siya ng stress lalo na ang mga kanta niya.

Tumingin ako sa bilog na orasan na nakasabit sa pader ng aking kwarto. 5:30PM na pala. Kinuha ko ang album ni Taylor na 1989 at saka pinatugtog. Nagbihis ako ng pambahay at saka kinuha ang laptop ko. Ilang araw ko na palang hindi nabubuksan ang facebook account ko.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon