35: Ferris wheel

40.9K 1K 30
                                    

MEAGAN'S POV

"Babs! Ang bagal mo naman, kapag tayo inabutan ng mahabang pila sa ferris wheel, ibabalik kita sa tiyan ni Tita Olivia -_-" Sabing ganon ni Gian. Nakatayo siya sa gilid ng pinto tapos magkakrus ang magkabilang kamay sa tapat ng dibdib. Sinisimangutan pa ako ng loko kesyo ang bagal bagal ko daw kumilos. Napaka excited kasing sumakay ng ferris wheel! Kita nang nag-aayos pa 'ko ng mga ginamit namin kanina sa booth e. Hindi naman niya ako tinutulungan -_-

"Kapag 'yan hindi mo nagawa, Gian, tatadyakan ko yung ano mo para hindi kana makapagkalat ng lahi mong hindi makapag-antay!" Sagot ko sa kanya. Best in walis parin ako ng mga kalat.

"Grabe ka, Babs :( Maawa ka sa mga babaeng manghihinayang sa lahi ng mga Javier. Ang lakas kaya ng appeal nitong kaibigan mong gwapo." Nagpogi sign pa talaga siya sa harapan ko.

"Baka gago ang ibig mong sabihin -_- Tulungan mo nga ako, Gian! Patayo-tayo ka lang diyan, letsugas ka. Buti sana kung naalis niyan yung mga kalat e."

"Kapal mo, Babs. Baka nakakalimutan mong ako ang pinagkarpintero mo kahapon para maitayo itong booth niyo. Napakahirap kaya magpukpok! Wala sa talent ko 'yon. Buti nalang nagfirst-aid sa 'kin yung mga Babies ko."

"Kingina mo, braduh! Ang arte mo."

"Grabe ka, sistuh! Ang lutong mong magmura, alright, hahahaha."

"Ang gwapo mo nga kasi -_-"

"Thank you so much, Babs, I'm so flattered." Tapos inilagay pa niya sa likod ng tenga niya yung buhok niyang mula sa patilya. Parang tanga -_-

"Abnormal!" Dinakot ko na yung basura saka itinapon sa basurahan. "Tara na, baka isumpa mo pa 'ko kapag hindi ka nakasakay sa ferris wheel na 'yan."

"Balang araw, Babs, maeexcite ka ring sumakay ng ferris wheel hahahahahaha."

"Talaga ba? Parang hindi naman."

Nagpunta na kami ni Gian sa kinalalagyan ng ferris wheel—sa field. Nandoon na pala ang lahat kaming dalawa nalang ang hinihintay, nakabusangot ang mukha nila sa'kin.

"Anong meron, bakit ganyan kayo makatingin?" Takang tanong ko.

"Nakailang ikot na ang ferris wheel bago ka dumating, nakakaasar ka T__T" Sagot na ganon ni Abbi.

"Wow, Abbi ah! Sana kasi tumulong ka sa paglilinis para naging mabilis ako nang kaunti -_-"

"Ayoko nga. ;P"

"Letse." Sabi ko sabay irap.

"Tara na, pumila na tayo. Baka mas lalo pang humaba 'yan e." Si Paul 'yon na sinang-ayonan naman ng karamihan.

So, pumila nga kami. Hayop na 'yan, napakahaba -_- Mukhang makakailang ikot pa 'to bago kami makasakay. Well, hintayan lang naman ang katapat niyan. Magandang praktis na rin siguro 'to sa sitwasyon namin ni Van.

Ay, sheez! >_< Hindi ko dapat siya isipin!

Pero...kapag ginawa ko 'yon, parang gusto ko na siyang kalimutan.


No! Hihintayin ko siya. Hintatayin ko para sa ekonomiya ng lahing Alvarez! Choz. Nahawa na 'ko kay Gian agad -_-


"Guys, sino sino yung magkakasama sa isang circle? Per two lang 'yon diba?" Tanong ni Harry.

"Itatanong mo pa ba 'yan? Lahat naman tayo may partner e." Sagot naman ni Gian na nakaakbay na ngayon sa chikababe niya.

Natahimik silang lahat sandali tapos biglang tumingin sa'kin.

"I don't care!" Irap ko pa sa kanila. Edi sila na may mga kapartner! Ako na mag-isa, ako na.

"Aww! Kawawa naman Babs namin. Kandong nalang kita? Hahahahaha." Biro pa ni Carlo. Kalandian nito -_-

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon