27: Debut (Part II)

40.5K 1.1K 53
                                    

MEAGAN'S POV

"For giving the first out of eighteen wishes, may we call on Mrs. Olivia Perez." - MC

F na F ni Mommy ang paglalakad sa red carpet. Kumakaway pa siya sa mga kumare niyang nandon din sa event. Si Mommy talaga, palaging feeling artista. (=__=)

"Mic check, mic check." Sabi niya pang ganon. Saka tina-tap nang tina-tap ang microphone. "Anak,"

Nakatingin lang ako kay Mommy. 'Anak' palang ang nasasabi niya pero naiiyak na siya.

"Mommy, walang iyakan." Biro kong ganon. Napatawa naman siya nang kaunti.

"Oo naman, 'nak. Bilang Mommy mo, wala na naman akong ibang hangad sa 'yo, anak, kundi ang maging matagumpay ka. Abutin mo lahat ng pangarap mo, maging masaya ka. Enjoy-in mo lang ang buhay buhay dahil minsan ka lang magiging bata. Nandito lang kami palagi ng Daddy mo at ni Luke para sumuporta sa 'yo. Mahal na mahal ka namin." Linya niya.

Ang drama ngayon ni Mommy! T__T

"Iloveyoutoo, Mommy." Sagot ko.

"Saka nga pala, anak. Yung fiance mo, ipakilala mo na uh? Hindi ko akalain na mag-aasawa ka kaagad."

Nakita kong napatayo si Daddy mula sa kinauupuan niya. Napasinghap naman ako sa sinabing 'yon ni Mommy.

"Mom, hindi naman talag-"

"Okay lang, anak. Ako nang kakausap sa Daddy mo." Kumindat pa siya.

Nako naman! (>_<)

Sunod na nagbigay ng wish niya si Tita Olga. Hwag daw muna akong magboyfriend. Tapos, biglang umeksena si Mommy.

"Isang taon nang may boyfriend 'yan. Bongga 'no? Hahahaha." Sigaw niya. I can't really believe na parang tuwang tuwa siya sa kasinungalingan namin ni Van. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang joke joke lang 'yon. (_>>)

"For the 18th wish, please come in front Ms. Abigail Mendoza."

Isa pa 'tong bruhang 'to! Gandang ganda din sa kanyang red dress. Hindi ba pwedeng ako lang muna ang magmaganda ngayon? Birthday ko naman diba? T__T Charaught, hahahaha.

"Bakla, alam kong gusto mo yung nata-touch ka sa mga nagmemessage sa 'yo kaya sige pagbibigyan kita." Bungad niyang ganon. Tapos lumapit siya sa 'kin at nagtataka naman ako kung bakit hinawakan niya 'ko sa balikat. "Natouch ka diba? *^O^*"

I gave her this kind of look d(=_____=)b Ang korni niya kasi e, hahahaha.

"Jokie jokie lang, hahahaha. Ito na totoo na 'to." She clears her throat saka nagsalita ulit. "Alam mo naman na palagi lang nandito ang pinakamaganda mong bestfriend diba? Anytime na kakailanganin mo ang powers ko, takbo ka lang sa bahay, makakaasa kang wala ako ron." Tapos tumawa pa siya.

Lokaret na babae 'to =___=

"Ang wish ko talaga para sa 'yo, sana magkatuluyan na TALAGA kayo ni alam mo na. Boto ako sa lalaking 'yon para sa'yo. Ang sarap pa ng abs niya. Hahahahaha."

"Bastos ka!" Sabi kong ganon. Sabay tawa. Paano niya nalamang masarap 'yon?! Tinikman niya, tinikman niya? Kuuuu~ sa'kin lang 'yon! (>_<) Choss, feeling girlfriend here.

"Basta, malalaman mo ding mahal mo na siya." Saka pa siya kumindat. Gagang 'to, nakamic kaya siya! Yardog at its finest ako nito kay Daddy.

Pagkatapos ng 18candles, sumunod na ang gifts. Ang regalo galing sa Mommy ni Van ang talagang nakapagpasaya sa 'kin. Alam niyo kung bakit? Bukod kasi sa binigay niya kaninang hindi ko pa alam ang laman, binigyan niya 'ko ng kotse. Ang malupit pa don, hindi siya kasama sa 18gifts. Gusto niya lang daw talagang regaluhan ang future daughter in law niya kuno. Omighad, excited na 'kong matapos ang araw na 'to para magamit kaagad ang super pretty kong red porsche car *U*

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon