29: I'll court you

42.8K 1.1K 52
                                    

MEAGAN'S POV

"Y-You don't need to do this if you don't want to, Babe." Sabi niya habang dinadampian ko ng bimpo na may yelo ang gilid ng labi niya.

"Sinong nagsabing ayaw kong gawin 'to?" I asks rolling my eyes.

"Ako. Dinidiinan mo kasi nang sobra yung pagdampi mo ng yelo e (_>>)"

"Psh. Edi ihihint—"

"No!" Nagulat ako sa pagpigil niya sa kamay ko. Hindi ko daw kailangang gawin pero ngayong ihihinto ko, ayaw niya =___= Parang ewan 'to a. "P-Please continue."

Nakatingin lang sa 'kin si Van habang ginagamot ko siya. Kapag ako natunaw dito, ewan ko nalang.

"Pwede bang hwag mo 'kong tignan nang ganyan? Nakakailang." Bira kong ganon pero hindi parin niya inalis ang tingin niya sa 'kin.

"I would like to enjoy this kind of moment with you." Nakatingin parin siya.

"B-But it's awkward."

"But this is what I want to do. To stare with you, to talk to you even you're angry. Just…let me do this thing."

Napatigil ako sa ginagawa ko at lumayo nang kaunti sa kanya. OA na naman ang puso ko shumbalubalu! (>_<) Nakakahiya, baka naririnig na niya!

Nakita ko siyang napabuntong hininga nang malalim at saka humiga sa kamang nasa loob ng clinic na inupuan namin. "Ano bang gagawin ko para hindi kana magalit sa 'kin?" He asks himself.

(_>>)

Oo nga pala. Galit ako sa kanya…kanina. Sa totoo lang, nakalimutan ko na ang galit ko dahil sa ginawa sa kanya ni Daddy. Hindi kasi 'yon tama T__T

"Uh, V-Van, you don't need to do anything. Mawawala din 'to. Siguro, next time hwag ka nalang mangako. Mali din naman ako kasi nag-assume ako e. At isa pa, narealized ko na hindi dapat ako ganito mag-react dahil gaya nga ng sinabi ko kagabi, wala naman talagang tay—Omighad!!"

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni Van pahiga sa kama at saka siya nakipagface-to-face sa 'kin. Bali, yung tungki ng ilong niya, 6 centimeters away nalang sa tungki ng sa 'kin. Imagine how near he is (>_<) And, imagine how my heart beats so fast and loud! Jusmiyo, hindi na ako magugulat kung heart attack ang ikamamatay ko sa future. Heart attack because of kilig from Van T__T

Idinikit ni Van ang noo niya sa noo ko. And, we are staring at the eyes of each other. "Hwag mo nang ituloy, Babe. Masakit. Mas masakit pa sa suntok na bigay ng Daddy mo." He whispered. He looks calm but sad at the same time. Paano niya nagagawang pabago baguhin ang emosyon ko? Kanina kinikilig ako tapos ngayon, parang nalulungkot na dahil sa katotohanang walang ‘kami’.

Inihiwalay na niya ang noo niya sa 'kin but he keeps the distance of our face be close enough. Nakita kong inilipat niya ang tingin niya sa mga labi ko. At ako naman itong si nagpapanic, hindi napigilan ang mapalunok.

AnakniSantaClaus! Kahit naka-aircon dito sa clinic, naiinitan parin ako >0<!!

"Meagan Perez."

Ang sexy ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko! Nagwawala na namang ang kaninang kumalma kong puso! T_T

"Can I ask your permission?"

"P-P-Para saan?" Usually, kapag nauutal ako isa lang. Pero ngayon dalawa na! Ganyan ang epekto niya sa 'kin ngayon.

"To court you, My Babe."




"To what?! 0_0 Nababaliw kana ba?! >_<" I yelled. Oo, sumigaw ako kahit sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi nga natinag ang nakakabaliw niyang pagtitig sa mga mata ko e. Samantalang ako, gusto nang magpalubog sa kama maka-skip lang sa mga titig niya.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon