12: Make-over

47.4K 1.4K 69
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

Nandito kami ngayon sa bahay ni Van. Pagkatapos kasi kumain, nag-aya na si Carlo na praktisin ang mga isasagot sa mga bagay "daw" na posibleng itanong sa 'kin ng mga magulang ni Van.

Infairness naman sa loob ng bahay ni Van, malinis. Walang makikitang alikabok sa mga estante ng divider at mga tukador.

"Babs, ready kana ba sa paghaharap niyo ng magulang ni Uno?" Tanong pa sa 'kin ng nagtu-toothpick na si Kurt.

"Hindi, ayoko ngang makipagkita e >.>"

Bukod kasi sa kinakabahan ako, nai-imagine ko na ang dobleng kasungitan ng mga 'yon.

Siguradong sa kanila nagmana si Van. ~(ToT)~

"No choice ka naman, Babs e. Don't worry, mabait naman sila Tito at Tita." — Kurt

Ayokong maniwala!

Feeling ko kasi, ang parents ni Van ay yung tipo ng mga magulang na kapag nakaharap mo e, pagpapawisan ka nang todo.

Tapos na rin naman kami magpraktis.

Sa totoo lang, parang nanggagago lang 'tong si Carlo. Pa'no ba naman, mukha bang interesado ang mga magulang ni Van sa kung ano ang unang salitang natutunan ko? -_-b

Nagdesisyon na 'kong umuwi sa bahay. Patayo na sana ako nang biglang lumabas sila Carlo at Van galing sa isang kwarto.

"Simulan na natin, Babs!"

"Simulan ang alin, Carlo? >.>" Tanong ko sa kanya.

"Paggawa ng contract about sa do's and don't's sa fake relationship ninyo ni Van."

Kalalakeng tao, may alam sa mga ganitong contract-contract? >_> At para saan naman 'yon? Hindi na rin naman uso sa panahon ngayon ang ganyan.

"Sumulat na kayo rito." Inabutan kami ni Carlo ng tig-iisang bondpaper at ballpen. Don daw namin isusulat ang mga pwede at hindi pwedeng gawin habang nagpapanggap kami.

"Game na kayo?" Tanong ni Carlo pagkalipas ng tatlumpong minuto.

"Oo." Sabay na sabi namin ni Van.

"Lima ang rules ko." Sabi ko.

"I only have one." Sabi naman ni Van.

Ano namang rules nito? Always wear a bikini? Subukan niya lang. Sampal talaga siya sa 'kin bente.

"Ako na muna ang magbabasa ng rules. Una, no kiss and no hug."

"Babs naman, are you kidding us? Mahahalata kayong fake kung walang ganyan." Reklamo pa ni Carlo.

"Edi pwede, kung kinakailangan. Psh! Pangalawa, ayoko ng masyadong bossy. Hindi niyo naman ako binabayaran e. Ikatlo, bawal ang masyadong masungit. Ikaapat, ayoko sa amoy yosi. And lastly, ayoko sa touchy. Okay?"

"Okay, yun lang pala e. Ikaw naman Van? Ano 'yang one and only rule mo?" Tanong ni Carlo kay Van.

Iniabot sa 'kin ni Van ang papel niyang tiniklop pa niya sa kalahati. Binuklat ko naman 'yon at saka binasa.

"I am always the boss. I can break your rule, if I want to." Basa ko sa nakasulat.

"Ang talino mo talaga, Dude. Nakakaproud ka!" Nag-apir pa yung dalawa.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon