4: New Neighbor

56.5K 1.4K 119
                                    

Meagan’s Point of View

Nang marating namin ang labas, bumungad sa ‘min ang isang itim na sports car na nakaparada r’on. May lalakeng nakaupo sa unahang parte ng kotse at nagbubuga siya ng usok mula sa bibig niya.

Ito ba ang tinutukoy niyang si Van? Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa parteng iyon na kinatatayuan niya dagdag pa na walang anomang ilaw sa lugar na 'to maliban sa liwanag ng buwan.

“Van, wala namang kuwenta yung dalawang lalake roon sa loob. Hindi man lang ako pinagpawisan, tss. Nag-gym nalang sana ako, para akong nag-aksaya ng oras rito, eh.” Sabi ng lalakeng nagligtas sa 'kin.

“Kung nag-gym ka, wala nang magliligtas sa 'kin.” Bulong ko sa sarili ko.

Naramdaman kong inilagay niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko. “Nandiyan naman ang maawaing si Uno.” Sabi pa niya.

“Uno? Yung Van at yung Uno, iisa lang? Yung walang hiyang si Uno, siya 'yon?!” Awtomatikong nag-init ang ulo ko dahil sa aking nalaman.

“Oo. May nakapagtataka ba r’on? Saka, talaga bang hindi mo kilala ‘tong si Uno?” Para siyang namamangha na ewan dahil sa nalaman niyang hindi ko kilala yung Uno o yung Van na tinatawag nila.

Tuluyan na ngang kumulo ang dugo ko dahil sa aking nakumpirma. Humanda sa ‘kin ang siraulong 'to, makikita niya!!

Agad-agad akong sumugod doon sa bwisit na lalakeng may pangalan na Van.

Ang kaso.., biglang may dalawang babae na humarang sa daraanan ko. Dalawang babaeng naka-two piece.

Sa lamig ng gabi, nakuha pa nilang bumiyahe nang nakaganyan? Anong klaseng balat ang meron sila, bato?! At, green at red pa talaga ang kulay ng mga bikini nila, ha. Ano, christmas season ang peg? Kakaloka!

“I hear that you're a girl who will hit Van on her face.” Mataray na sabi sa ‘kin ng babaeng nakapulang two piece. Nakapameywang pa talaga siya at arkong-arko ang kilay.

Hindi ko alam kung saan nga ba sumakit ang ulo ko. Sa kulay ba ng suot niya sa English niyang baliko? Susme.

And, don't tell me na nagsumbong sa kaniya ang gangster na 'to?

Ano ba siya, bata?!

“Oo, ako nga.” Sagot ko. “At gagawin ko 'yon ulit ngayon. And please, pakiayos ang pag-ienglish. Sakit sa ulo.”

I took a step forward para lapitan at masapak ang target ko pero mas lalo lang silang humarang. In-stretch pa talaga nila ang mga kamay nila sa daraanan ko.

Tagapagtanggol ba ang tingin nila sa sarili nila? Ano namang tawag sa kanila, Bikini Buddies?

Eww!!

“Hindi ka pwedeng lumapit sa kaniya. Kailangan mo munang dumaan sa 'min.” Sabi naman ng naka-green na two piece. Nag-pose pa talaga siya na parang ready-ng ready na lumaban.

I heaved a deep sigh at saka ako napa-face palm. Magpasalamat ang dalawang babaeng ito dahil masyado akong pagod ngayong araw dahil kung hindi, papatulan ko talaga 'tong mga 'to.

Umatras nalang ako at bumalik nalang sa tabi ng lalakeng nagligtas sa 'kin.

Kumapit ang dalawang babae sa magkabilang braso nung Van. At ang mga baliw, ayun, naghalikan lang naman sa harap ko!

Mygoodness! Ano 'to, live porn? Mga baboy!!

Tinalikuran ko na sila at nagsimula nang maglakad papaalis sa lugar na kinalalagyan namin.

Bahala sila sa mga buhay nila, uuwi na 'ko!

“Miss, saan ka pupunta?” Tanong sa 'kin ni Mr. Savior.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon