9: Please and Sorry

51.4K 1.4K 83
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

Kasalukuyan na 'kong nakahiga ulit sa kama ko at nakatulala sa kisame. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari sa 'kin kanina. At, ano na kaya ang nangyari sa pitong lalakeng 'yon ngayon? >.>

"Ate, ano bang nangyari sa 'yo kanina?" Tanong ni Luke na nakaupo sa gilid ng kama ko ngayon.

"Hindi ko din alam, Luke."

Ni minsan sa buhay ko, hindi ko inakalang makaka-experience ako ng ganong klaseng pangyayari. Para kasing sa mga pelikula nangyayari ang mga ganon.

"Ang astig siguro kapag may humahabol sa 'yo tapos pinapaputukan ka ng baril 'no, Ate? Para kana ring nasa the fast and the furious no'n. Dapat pala sumama 'ko sa 'yo." May panghihinayang pa sa tono ng pagsasalita niya.

"Alam mo Luke, special child ka. Kamuntikan na nga akong mamatay sa sobrang takot, ikaw naman, naaastigan pa!"

"Ang astig kaya. At saka nga pala Ate, anong masasabi mo kay Kuya Van? Siguradong ipinagtanggol ka niya r'on sa mga lalakeng humabol sa 'yo kanina. Ano, gwapo ba siya ha, Ate?"

Napatingin ako kay Luke.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Wala lang. Alam ko kasi na maipagtatanggol ka ni Kuya Van sa lahat, kaya boto ako sa kanya para sa 'yo."

"Madali ka namang mamamatay dahil sa nerbyos nang dahil sa lalakeng 'yon. Ayoko sa gangster, remember?"

"Kapag naman natutunan mo na siyang mahalin, hindi mo na maiisip ang mga bagay na ganyan tungkol sa kanya."

Napaarko ang isa kong kilay.

"Kung makapagsalita ka d'yan, para kanang matanda a."

"Ikaw kasi, immature."

I tsked at him.

"No way pa rin. Hindi ko siya mapagtitiisan."

"Ako nga napagtiisan mo e." Ngumuso na naman si Luke.

"Malamang, dahil kapatid kita. Wala naman akong choice kung ganyan ka e, at saka sanay na 'ko sayo at sa mga kajejehan mo sa buhay."

"A basta, boto pa rin ako kay Kuya Van."

"Edi, ligawan mo siya. Pero kung iniisip mo talaga na para lang may magtanggol sa 'kin, don't worry. Kaya ko ang sarili ko."

"Iba pa rin kapag may nagtatanggol sa 'yo. Palibhasa hindi ka pa nakakaexperience ng ganon e."

"Kung makapagsalita ka r'yan, akala mo kung sinong expert sa pag-ibig 'to. Hoy Luke, matuto ka munang maghugas ng pinagkainan mo bago ka manligaw."

Itong lalakeng 'to, kung makipagtalo nga sa 'kin akala mo bata pa rin e.

"May girlfriend na kaya 'ko." Proud pang sabi niya.

"Seriously?"

Sabay niyang itinaas baba ang dalawa niyang kilay.

"Kawawa naman 'yon, walang kinabukasan sa 'yo." Sabi ko.

"Wala ka lang bilib sa 'kin e, isa yata akong Perez!"

"Edi ikaw na! Palibhasa, hindi mo pa alam na walang forever."

"Meron. Ayaw mo lang maniwala."

"Whatever!" I rolled my eyes. "Pumunta kana nga sa kwarto mo, matutulog na 'ko ulit."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon