25: Mickey Mouse

48.8K 1.2K 159
                                    

MEAGAN'S POV

6:45. I woke up 6:45 in the morning. Ang sarap ng tulog ko sa kwarto ni Van. Napakalambot kasi ng kama at kumot niya. Plus, todo kung todo pa ang aircon. Kung hindi nga lang siguro ako nasinagan ng araw mula sa bukas na glass window ni Van, wala pa sana akong balak gumising. -,-

Tumayo ako at tumanaw sa bintana. Kumakaway sa 'kin yung bahay namin. Sarado pa yung bintana ng kwarto nila Mom and Dad. For sure, hilik na hilik pa sila ngayon.

Huminga ako nang malalim para sana sumagap ng sariwang hangin nang may ibang amoy akong naamoy.

*sniff* *sniff*

Sheep, ang bango!! *Q*

*sniff* *sniff*

Dahan dahan kong sinusundan ang pinagmumulan ng amoy. Amoy ginisang corn beef, omighad! *U* One of my favorites!

Dinala ako ng amoy sa ibaba. Sa kitchen to be specific. Naabutan kong naghahanda si Van ng makakain sa hapag-kainan. Woah, marunong pala siyang magluto. Magaling!

"Goodmorning thickhead with the morning glory on her face." Bati sa 'king ganon ni Van. Nakangiti pa nang bonggang bongga ang loko. Good mood much? Hahahaha.

Pasimple kong hinipo ng daliri ko ang mukha ko. Baka may panis na laway pa nga siguro ako sa mukha.

Meron nga. Konti lang. :P Normal naman 'yon, hwag maarte.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Van. Wow, nice apron uh. Hahahahahaha.

"Goodmorning din, Mr. Gangster with a blue mickey mouse apron." Bati ko sa kanyang ganon. Pinamulahan naman siya ng mukha. Pfft! Ang cute, hahahahaha.

Katatapos lang niyang magluto. At tama ako, cornbeef nga ang naaamoy ko. Topless siya ngayon pero may nakasuot sa kanyang apron...na mickey mouse nga. :D

"J-Just don't mind this thing." Nahihiyang sabi niya habang nag-aayos ng platong pagkakainan para sa almusal.

"Asuuus, okay lang 'yan 'no. Hahahaha, ang cute mo nga e. Gangster na mahilig sa Mickey mouse? Not really bad."

He rolled his eyes on me. "Psh, kumain ka nalang. Don't you remember, may klase ka pa ng 8am?" Pagpapaalala pa niya. Oo nga pala -,- Buti pa siya, mas kabisado pa ang schedule ko kaysa sa 'kin.

Pinaupo niya na 'ko. Hinandaan pa ako ng almusal sa plato ko.

"Wow naman, prinsesang prinsesa naman ang ganap ko dito. Salamat, Van." Sincere na sabi ko. Natatakam na 'ko sa cornbeef! *U*

"It's for taking a good care of me yesterday." Hinubad niya ang apron niya at saka isinampay sa may gilid ng refrigerator.

Nasa harap ko ngayon ang masasarap niyang abs—ay este, luto pala! Masasarap niyang luto. Nang-aano 'to si Van e. 'Pag siya inano ko, nako, maaano siya. Ano daw? Naano ako don a.

"Magdamit ka nga, Van." Utos ko sa kanya. Baka kasi kapag patuloy siyang kumain nang topless, e mabusog na ako kaagad sa view at di ko na makain itong niluto niyang sinangag, hotdog, at cornbeef—na paborito ko.

"Gutom na 'ko e. And, can you please stop fantasizing my body?"

"'Stop fantasizing my body' your face! Tsura nito." Nagsimula na 'kong kumain. Infairness, ang sarap magluto ng leader of the gang. At, masarap ding magtimpla ng gatas. Ginawa akong bata ng kurimaw na 'to. Si Mommy pinurga ako sa kapeng barako e. Dapat daw kasi sa bata matatapang. Para matutong lumaban! Jk.

"Anyway, your uniform is already in my room."

Kinunutan ko siya ng noo. "You mean, school uniform?"

"Yep. Nagpahatid na 'ko kay Luke. Plinantsa ko na din." Tapos nag-wink pa siya sa 'kin. Parang gusto niyang sabihin na pwede na siyang mag-asawa sa pag-aasikaso niya. But, opkors, feeling ko lang na 'yon talaga ang sinabi niya. Hindi ko 'yon sure.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon