50: The Past

39.7K 869 98
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

"Van, ano ba?! Itigil mo na sabi 'yan, ano bang problema niyong dalawa?!"

Patuloy pa rin sa paggawa ng gulo yung dalawa. Halos dinumog na kami ng mga estudyante dahil sa kanila.

"Van!! Drake!! Tama na 'yan!!" Pinagigitnaan ko na sila pero halos itulak nila akong dalawa para lang magsuntukan.

"Sinabi nang tama n—Aray!"

Hawak-hawak ko ang braso ko. Tangina, ang sakit!

"My lady!" Napatingin pa sa 'kin si Van tapos balik na naman kay Drake at saka 'to binigyan na naman ng suntok. "This is your fuckin' fault!" Sigaw pa niya.

Sa lakas ng impact ng pagkakasuntok ni Van kay Drake, na-out of balance 'to at saka napaupo sa sahig.

Napahilot na lang ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"Mr. Alvarez, Mr. Reyes, go to my office now!" Sabi sa kanila ng presidente ng school. "Sumama ka rin Ms. Perez." Dugtong pa niya.

"Ma'am, wala po akong—"

"Sinabi kong sumama ka!"

"Opo, Ma'am."

Nakakabwisit na mga lalake 'to >__< Pati tuloy ako nadamay sa away nila.

"Come on, My lady." Iniaabot niya ang kamay niya sa 'kin pero hindi ko 'yon pinansin.

Nauna na akong maglakad para sumunod sa presidente ng school. Naiinis ako sa kanya. Kapag nagagalit siya, hindi talaga siya magpapapigil.

"My lady—"

"Hwag mo 'ko kausapin, Van. Naaasar ako sa 'yo. Mag-eexplain ka sa 'kin mamaya." Nakairap na sabi ko.

Sunod ang tingin sa 'min ng mga tao.

"I did not do anything, ayoko lang—"

"Ang sabi ko mamaya diba?" Sinamaaan ko siya ng tingin. "At sinabi ko ring hwag mo 'kong kausapin."

Hindi na naman siya nagsalita.

Naramdaman kong sumabay sa paglalakad ko si Drake.

"Ikaw naman, Drake, alam mo nang nagagalit si Van kapag lumalapit ka sa 'kin, lapit ka pa rin nang lapit. Lumayo layo nga kayong dalawa sa 'kin at baka ako ang mainis nang tuluyan sa inyo at pagbuhulin ko kayo diyan!" Sermon ko sa kanya.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon