6: Transferees

55.1K 1.4K 68
                                    

MEAGAN'S POV

Bago pa man magdilim, nagpresinta na si Gian na ihatid ako sa amin. Nakatulog na kasi si Carlo dahil siguro sa sobrang pagod at sakit ng katawan kaya ganon. Ikaw ba naman makipagpatintero sa mga taong may baril e. o(╯□╰)o

Nang makauwi ako sa bahay, si Luke na magkakrus ang mga braso na naman ang bumungad sa akin, bitbit pa niya ang bag ko na inihatid pa raw ni Abbi dito sa bahay.

Minsan nalilito na ako kung kapatid ko lang ba talaga siya o tatay e. -_-

Balak pa sana niya akong sermonan, ang kaso, bago pa man niya ibuka ang bibig niya, inunahan ko na siya.

"Pagod ako, Father Luke. Hwag kanang mansermon, hindi ka lisensyadong pari."

Nilampasan ko na siya at agad-agad na umakyat sa kwarto ko at itinapon ang sarili sa kama.

Napatitig nalang ako sa poster ni Taylor.

"Grabe, Tay-tay (Tey-tey)! Kailan ba ulit magiging tahimik ang buhay ko? (ಥ_ಥ)" Tanong ko sa kanya na as if namang masasagot niya.

Wala pa ngang isang buwan magmula nang makilala ko sila Van, pakiramdam ko, marami nang nangyari. Pati sa facebook, kahit na hindi naman ako sikat, madami ang bashers ko dahil sa kanila.

Speaking of facebook nga pala, nag-open ako ng account ko at isinearch ang pangalan ni Van. Pagkatapos kong ma-enter sa search box ang pangalan niya, samu't saring Van Alvarez ang lumabas. Iisa lang ang mukha sa profile picture pero iba't-ibang account iyon. Yung iba nga fan pages pa. Famous!

Yung facebook page nalang niya ang kinlick ko. 20k+ kasi ang likes non. Yung page na yon kasi ang sa tingin ko ay active.

Van Alvarez
Public Figure
Like | Save | Share | More Options

20, 895 people like this.
Subscribe to events near you.
Invite friends to like this page.

About:
A very hot and handsome leader of Axe Gang Society.

Videos >

Photos by page >

Post to page >
Write post | Share photo

Tinignan ko ang mga pinost sa page.

Van Alvarez uploaded a new video.
6 hrs
Seven Axe Gang leaders caught in a CCTV making trouble with Black Gang Society

(Video here)

10,386 likes 249 comments 11,998 views
Like | Comment | Share

Shiela Marie Ong ▶ Van Alvarez
8 hrs • Edited
Guys, do you know who's this girl? Girlfriend ba siya ni Carlo Santiago?

(Picture ko at ni Carlo habang nakayakap ako sa kanya sa motorbike)

13,352 likes 1,168 comments
Like | Comment | Share

Kanina lang 'to a. Sobrang active naman pala nitong page na 'to. Hindi man lang ipinagpabukas ang pagpopost ng mga 'to.

Binasa ko ang comments. Puro bad comments na kesyo ang landi ko, at pinupuntirya ko daw ang buong Axe Gang Leaders. Ayoko nang mapalapit pa sa mga gangsters na 'yon! Kung alam lang nila kung anong gulo ang dulot ng mga 'yon sa buhay ko =.=

Naglog-out nalang ako. Nakakawalang gana! Nakakabadvibes.

"Ate! Nandito si Ate Abbi." Sigaw ni Luke mula sa ibaba. Mukhang sasagap ng tsismis ang bruha.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon