23: The truth

43.4K 1.2K 93
                                    

Dedicated 'to kay Mcangelmariscotes dahil nag-effort siyang sumagot sa last chapter. ^_^

MEAGAN'S POV

"Oh my gosh, baby! I'm so excited. *U*" Talagang niyupi pa 'ko ni Mommy sa yakap niya.

"Excited for?" I asked

"Your birthday! Three days nalang 'yon. Plantsadong plantsado na ang lahat as in."

"Paano? E diba hindi ko pa tapos yung list no'ng mga iimbitahan ko?"

"Nuh-uh-uh," Naghand gesture pa siya na humihindi gamit ang hintuturo niyang daliri. "Hinatid na dito sa bahay yung mga invitations para sa mga kaibigan mo. Actually, yung iba naipamigay na ni Luke. Pito nalang ang natira diyan kasi sabi ng kapatid mo, ikaw daw dapat ang mag-imbita sa kanila."

"Pito? Hindi kaya...Luke!!" Tawag ko sa kanya. Kaagad naman siyang lumapit sa 'kin.

"Pinakialaman mo ba ang lists ng iimbitahin ko?" Sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Slight hehehehe. Kinumpleto ko lang naman yung 18 roses mo. Sakto naman yun para sa pito kong mga Kuya e. Ibigay mo nalang sa kanila yung invitation ^____^" Tapos tumakbo na siya palabas. Aba'y pambihira! -_-

"Nandon sa bedside table mo yung invitations. Ibigay mo na kaagad 'yon sa kanila para makapaghanda." — Mommy

"Opo."

Umakyat ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung invitation at saka tinignan ang pagkakasunod sunod ng list para sa 18 roses ko. Ganon parin naman. Dinagdag lang talaga yung pito. Panglabindalawa si Seven pababa kay Uno. So, si Van talaga ang ginawa niyang last dance -_- Maano talaga 'yon e. Nang-aano talaga siya e.

Haynako, bayaan na nga. Nandyan na 'yan e. Ang kailangan ko nalang gawin, ibigay 'to sa kanila. Tatawagan ko nalang si Van.

Calling...
Vantot Alvarez

Naririnig kong nagriring na ang phone niya.

Mygoodness! Ang tagal sagutin. =___=

*phone's ringing*

Kapag hindi niya sinagot ang tawag na 'to, hindi ko siya iimbitahin!

Mabuti naman at sinagot na niya. Ang bagal niya naman.

"W—*cough*—What?*cough*" Ang gara ng boses niya. Parang may sakit.

"A-Are you okay?" Tanong kong ganon. Ang tigas kasi ng ubo niya.

"Y-Yes." Umubo na naman siya. "What do you *cough* want?"

"Sure kang okay ka lang talaga?"

"Y-Ye—*cough*" Hindi na siya nakasagot kasi sunod sunod na ang ubo niya.

"Nasaan ka? Sa bahay mo ba? May kasama ka?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Wal—*cough*—Wala."

"Pupunta ko diyan!"

Kaagad kong pinatay yung tawag at nagtatatakbo papunta sa katapat na bahay—kay Van. Okay okay pa siya, halata namang hindi. Abnormal.

"Alvarez, papasok ako!"

Bukas ang gate niya. Pati na rin ang pinto. Hindi takot sa akyat bahay ang lalaking 'yon. Porket gangster, malakas ang loob, tch.

"Van, nasaan ka?"

Ubo lang na nanggagaling sa second floor ng bahay ang narinig ko. Dali dali akong umakyat do'n para matingnan siya.

Naabutan ko siya sa isang kwarto. Nakahiga siya at balot ng kumot ang buo niyang katawan.

"Huy, anyare sa 'yo? May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon