42: Heartbreaks

33.3K 929 76
                                    

MEAGAN'S POV

Ibang iba na si Van kung ikukumpara sa Van na ipinakita niya sa'kin dati. I mean, yung totoong siya. Yung sobrang magmahal na si Van, yung maalaga, yung takot sa Jollibee, yung gustong gusto si Mickey Mouse.

These past few days, kapansin pansin yung pagbabalik ng dating siya. Paiba iba na naman siya ng babae, makailang ulit na maninigarilyo, at kung saan saan at sa kung sino sino nakikipaghalikan.

Tama.

Kahit alam niyang nakikita ko siya, hindi siya tumitigil. Hindi siya nag-aalinlangang gawin 'yon sa harap ko. Hindi kagaya ng dati, hindi niya na ikino-consider ang feelings ko ngayon. Parang okay na lang sa kanya na mamatay ako...emotionally.


At...


Ginagawa niya 'yon ngayon.

Dito sa locker room.


Sa harapan ko.


"Baby, may nakakakita na sa'tin o. She's your ex, right?" Sabi nung babaeng halos ka-sex na ngayon ni Van. Her uniform is already unbutonned. Halos iluwa na nga nito ang dibdib niya sa pagmumukha ni Van.


Gustong gustong gusto ko na sila sugurin. Pagsasampalin at pagpirapirasohin lalo na ang haliparot na babaeng kasama niya ngayon. I already stepped my right foot forward when he answered the girl.

"She's not my ex." Tumingin siya sakin. "We're on the courting stage nang lumandi siya sa ibang lalaki."

May naramdaman akong kumurot sa dibdib ko.

So...malandi na pala ang tingin niya sa'kin ngayon.

"We're done." Sabi niya pa do'n sa babae. Inayos niya ang uniform niya at saka kinuha ang gamit niya sa loob ng locker niya.

"Anong tinutunganga mo diyan? Hwag kang humarang s–"

"Van..." I cut him. "Can you please stop being rude?! Yes, nasaktan kita. But it doesn't mean that you have the right to hurt me too!" Namimiyok na sabi ko. Halos hindi ko na din mapigilan ang pag-init ng mata ko. Ang sakit niyang magsalita. Parang ang hirap tanggapin.

Ipinasok niya sa loob ng tenga niya yung isa niyang hinliliit.

"Can you please stop being dramatic? Tumabi kana, mahuhuli ako sa klase ko."

"We need to talk about this, Van Alvarez!"

"I don't have a time to."

"Pero sa pakikipaghalikan sa mga cheap na babae, meron?!" Sigaw ko sa kanya.

Bigla naman siyang napangisi.

"Stop acting like my girlfriend because you're fvckin' not!" Matigas na sabi niya.

"I kn–"

"Stop! Putangina, ayaw na kitang makita kaya kung pwede ba, alis!"

"Asshole!"

"Whore."



I slapped him. Hard.


"Great." Sabi niya hawak hawak ang pisngi niya.

"I am not a fvckin' whore dahil wala akong nilalandi. Sige! Sabihin mo lahat ng gusto mo. Pero hindi kita titigilan hanggang sa hindi natutuldukan ang isyung 'to. Magkakaayos tayo, ipasok mo 'yan sa makitid na kokote mong gago ka."

Nauna na 'kong lumabas ng locker room. Yung pride ko, tangina! Hinayaan ko ang sarili kong bastusin ni Van sa harap ng babaeng 'yon? Ugh!

Kung hindi titigilan ni Van ang panggaganyan niya sa'kin, sooner or maybe, later, ako na ang laman ng usapan nila. Pero, wala akong pakialam. I need to think any ideas na makakapagpaayos sa'min ni Van. Not because I don't want to be the center of rumors but because he's fvckin special to me.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon