43: Another trouble

36.3K 990 34
                                    

MEAGAN'S POV

It's already 12 midnight but still, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon kasi, iniisip ko pa rin kung paano kami magkakaayos ni Van. Despite of all those hurtful words from him, ayoko pa rin siyang tantanan. He's very special to me that's why kahit ang pride ko ay handa kong lunukin para lang sa kanya.

Naiisip ko palang na nakikipagtawanan, nakikipaghalikan, nakikipag-usap at nakikipag-date siya sa ibang babae, parang gusto ko nang magpakamatay. Palaging pumapasok sa isip ko yung mga magaganda naming alaala, yung mga panahong parang saming dalawa lang umiikot ang mundo, yung panahong sa'kin lang siya parati nag-aalala.

Magsisi ka ngayon, Meagan! He changed because of you, and now, he came back to his own self nang dahil din sayo!

Wala akong ibang sinisisi sa mga nangyayari kundi ang sarili ko lang. Maski ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Totoo namang walang ginagawang masama si David e, pero dahil sa nagseselos si Van sa kanya, nadala siya sa emosyon. At ako namang itong si tanga, nakisabay din!

Ilang minuto pa akong nagpamuni-muni sa kwarto ko. Bukas na pala ang show nila David sa KIA theater. Kung hindi lang siguro kami warla ni Van, sobrang excited ko siguro para ron. Ang kaso...

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pangyayari. Nakakalungkot naman nang sobra.

Bumaba ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at saka kumuha ng tubig nang may mapansin ako.

Nasaan yung mga cupcake ko? >.>

Nangunot ang noo ko. Kinain siguro ni Luke ang mga 'yon. E mukha nang ewan 'yon e. Baliw talaga ang batang 'yon, pero thankful ako kasi napagtiyagaan niyang kainin kahit na lasang basura raw 'yon sabi ni Van.

"Anong oras ka pupunta sa show, be?" Tanong ni Abbi. Siya nalang kasi ang inaya ko. Tinext ko kasi si Van tapos ang reply niya lang sakin...

Van:
I would like to spend my time in a more important matters. Punta ka mag-isa mo.

"8pm daw ang start non e. So, I think, alis tayo rito ng 5pm." Sagot ko sa kanya.

"Okidoki, beshy. Car mo gagamitin?"

"Baka may car ka?" Tinawanan ko pa siya.

"Ay? Minamaliit ang kakayahan ko ni ate girl o -.-"

"Nagtatanong ka pa kasi diyan. :P"

At 3:30pm, nagsimula na kaming mag-ayos ng sarili. Eto kasing si Abbi, she needs a lot of time for preparations daw para sa show -.- Jusq, kaya palaging nabebengga ni Kurt 'to e. Parang lahat nalang kasi ng lalaki, pinapagandahan.

Nagsuot ako ng black ripped jeans, at plain gray loose longsleeves tapos white adidas shoes. Nag-bun ako ng buhok at hinayaan kong maiwan ang bangs ko.

"Baklita, ready na si wata! Gorang gora na ako, tara na!" Sigaw pa ni Abbi.

"Sandali naman -.- Napakaaga mo a, ikaw ba ang magsshow?"

"Tch, dadaanan pa kasi natin ang Bebi Kurt ko." Parang excited pa niyang sabi.

"Luh? Kasama siya? Pumayag 'yon?" Woah, buti naman. Baka kasi isipin na naman niya, kung kani-kanino ko ibinubugaw si Abbi.

"Oo naman 'no! Siya pa nga ang nag-insist."

"Edi ikaw na may ka-holding hands ron! Tch, someday...antayin mo lang, beshu." Sabi kong ganon. Masuyo ko lang si Van, maski asin lalanggamin!

"Kyaaaah *U* Daming hottie!!" Sigaw na ganon ni Abbi. Partida, katabi pa niya si Kurt niyan. Kaya nga kunot na kunot na ang noo ng lolo niyo.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon