Chapter 1

260 139 4
                                    

"OMG, Rica ayan na si Aya ang malandi at mamamatay tao"

"Bakit ka nandito Aya, hindi ka nababagay dito kasi isa kang mamamatay tao!!!!"

Narinig ko na naman ang pangalan kong hinuhusgahan ng iba. Sabagay ganon naman talaga eh, wala naman akong ginagawang masama sa kanila tapos ganyan sila. Kahit ano namang gawin ko, ganun pa rin ang trato nila sa akin. Gusto ko silang labanan pero hindi ko magawa. Sobrang nasasaktan na ako sa mga ginagawa nila. Kakampi? Wala ako nyan. Lahat dito tingin sa akin malandi, mamamatay tao, kontrabida, panira lang sa buhay nila.

Ako na nga lang mag isa ang magtatanggol para sa sarili ko eh. Pero bakit hindi ko pa magawa?

Flashback

"What have you done Aya, you killed your sister! Get out! Get out of this house!" bulyaw ni Papa sa akin.

"Papa, wala po akong ginagawang masama" humahagulgol kong sabi sa kanya

"Wala ha, wala talaga lang! Kung hindi mo inagaw ang boyfriend ng ate mo, sana hindi sya nagpakamatay. Wala ka talagang kwentang anak. Wala akong anak na katulad mo, katulad mong isang mamamatay tao na, malandi pa!!" Galit na galit na sabi sa akin ni Papa

Sobrang sakit yung mismong kadugo ko pa yung nanghusga sa akin, yung isinisisi sa akin ang isang bagay na hindi naman ako ang may gawa.

Kumalat yung issue hanggang sa school. Campus Queen kasi ang ate Elise ko. Almost perfect sya sa mata ng lahat. Maganda, matalino, mabait lahat ng magagandang katangian, makikita mo sa kanya. Relationship Goals na nga yung relasyon nila ni Kuya Ethan kasi sobrang sweet nila sa isa't isa. Pero nung nalaman ni ate na ginamit lang pala sya ni kuya Ethan, nung nalaman ni ate na sa akin pala may gusto si kuya Ethan, sobrang nagalit siya sa akin to the point na sinumpa niya ako. Kahit alam na ni ate na niloko, ginamit at pinagluruan lang siya ni kuya Ethan, hindi parin siya nagalit sa kanya, pero alam nyo ba, sa akin niya binuhos yung galit niya. Ang unfair nga eh, kasi hindi naman ako yung may kasalanan pero sa akin siya nagagalit.

End of Flashback

Naalala ko na naman ang mapait kong nakaraan. Ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. Pero kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin ako nagalit kay ate Elise. Hindi ko naman kasi siya masisisisi kung bakit ganun nalang ang galit niya sa akin, nagpakamatay siya, nawala sya. Pero ano pa nga bang magagawa ko wala na eh, hindi ko na mababago pa ang mga nangyari.

Simula nung panahon na yun, sobrang nagalit sa akin ang pamilya ko to the point na itinaboy nila ako. Ang sakit nga eh kasi ang akala ko magkakaroon ako ng kakampi, pero wala pala. Pero kahit ganun sila, mahal na mahal ko pa rin sila.

Sawang sawa na akong binubully, pinag-uusapan, sinisiraan ng iba. Pagod na pagod na akong marinig ang mga masasakit na salitang binabato nila sa akin. Sobra na tama na ayoko na, ang sakit sakit na.

Unappreciated Where stories live. Discover now