Chapter 7

98 67 0
                                    

4 pm

Uwian na pala, pupuntahan ko nga pala si Lance sa may park. Pag uusapan namin yung project na gagawin namin. Habang naglalajad ako, patuloy paring bumabagabag sa akin yung mga salitang sinabi nina Lance at Sheila kanina.

"Mag iingat ka kay Sheila, Aya"

"Mag iingat ka kay Lance, Aya"

Sobrang nabobother talaga ako duon, ay ewan. Hindi ko na talaga alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang gulo kasi talaga. Hindi ko silang maintindihan talaga.

Sa sobrang pag iisip ko nun, muntikan ko nang di mapansin si Lance na nakaupo at mukang kanina pa ako hinihintay.

"K-kanina k-ka pa ba naghihintay dyan?" kinakabahan kong tanong. Baka kasi mamaya matagal na tong naghihintay dito nakakahiya naman.

"No, actually kararating ko lang din. Nauna lang siguro ako sa'yo nang ilang minuto," seryosong sabi niya sa akin sabay tingin sa relo niya.

"A-ano n-nga pala yung pag-uusapan natin?" kinakabahan ko na namang tanong. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan kausap ni Lance, dahil kaya creepy siya kanina? Nevermind na nga lang.

"Ahm, hindi ko kasi alam kung paano natin sisimulan yung project natin.

Ang hirap naman kasing idefine nung love at happiness eh. What if magsearch nalang kaya tayo sa Google?" suggest ni Lance sa akin.

"Eh, pano naman natin yun ie-explain diba?" tanong ko sa kanya.

Totoo naman kasi eh, mahirap i-explain yun lalo na kung hindi mo alam kung ano nga ba yung tunay na definition nun. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon, masasagot ni Google lahat ng tanong natin. Minsan kasi dapat tayo naman mismo ang sumagot sa mga tanong natin. Pero sobrang hirap naman kasi talaga eh, lalo pa na hindi ko naman nararanasan yang love at happiness na yan.

"Hmm, what if tayo mismo ang humanap nung meaning nun," suggest ulit ni Lance.

"Sure ka? Pero paano naman natin gagawin yun?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Ade magtulungan tayo, tutulungan natin ang isa't isa. Magtutulungan tayong hanapin kung ano nga ba yung perfect definition nun," sabi niya sabay tingin sa akin ng nakangiti.

"Tama ka, magandang idea nga yan," natutuwang sabi ko.

Mukang madali namin tong matatapos kung magtutulungan kami. Sana nga magawa namin to nang maayos at alam ko ring marami kaming matututunan sa gagawin namin na to.

"Uy uwi na ako. Kita nalang tayo bukas, free ka ba?" biglaang tanong ni Lance.

"Huh, di naman kami umaalis eh. Peri saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Mabuti nang alam ko kung saan kami pupunta diba?

"Ewan basta bahala na bukas," sabi ni Lance, bahala na ng bukas.

"Sige, sige una na ako ah," paalam ko sa kanya.

Ngitian nya lang ako. Habang unti unti akong naglalakad palayo sa kanya. Sana nga maging maayos itong gagawin namin.

Unappreciated Where stories live. Discover now