Chapter 12

76 31 1
                                    

"May mga taong sa una lang mabait, pero habang tumatagal nakikita mo na ang tunay nilang kulay."

Akala ko usual na lunes lang ang meron ngayon. Pero nagkakamali pala ako. Akala ko, isa lang ito sa mganormal na araw para sa akin. Pero duon pala ako nagkakamali. Ito kasi yung araw na pakiramdam ko,na may halaga din ako. Yung parang unti unti nang bumabalik sa normal yung buhay ko. Yun bang pagpasok ko, hindi na ako pinag-uusapan katuladng dati. Yung hindi na ako iniiwasan ng lahat. Feeling ko, malapit nang bumalik ang lahat sa normal. Sana nga, mangyari, nakakasawa rin kasi yung maging ganito, parang invisible lang  sa kanilang lahat. Gusto ko naring bumalik yung dating ako. Yung ako na masaya, yung ako na hindi iniisip kung anong sasabihin ng iba sa akin,yung akong minahal ng lahat, yung akong pinahalagahan ng lahat nuon. Gusto ko ulit bumalik yung dati, kahit alam  kong medyo imposible. At higit sa lahat, gusto kong malinis ang pangalan ko sa lahat. Alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginawang mali, alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ang dahilan ng pagkamatay ni ate. Sana nga talaga bumalik na sa lahat, kasi sobrang nahihirapan na talaga ako sa buhay ko ngayon.

Pumasok ako sa classroom namin.Pero ang ikinagulat ko ay, sa wakas napansin din nila ang presensya ko. Pero nakakapagtaka lang kasi diba? Para bang ano naman ang nakain nila at bumaitsila ng ganyan. Ano naman ang nangyari at biglang naging ganyan ang trato nila sa akin.

"Hi Aya, dito ka na maupo. Tabi na tayo," pag-aya sa akin ni Jaine.

"Sige, salamat," nakangitingsabi ko kay Jaine.

Dumating si Sheila, at sabay na umupo sa tabi ko.

"Good Morning Sheila," masayang bati ko sakanya.

"Ano namang  maganda sa umaga?" pag-iirap pa ni Sheila sa akin.

Bakit naman parang ang taraytaray ni Sheila ngayon? Nakakapanibago lang kasi hindi naman sya ganyan dati. Atsaka wala naman akong naaalala na may ginawa akong hindi maganda sakanya.

xxSheilaxx

No, never. Hinding hindi ko hahayaan na maagaw sa akin ni Aya ang lahat. Hinding hindi ko hahayaan na mamuhay ulit siya ng masaya. Gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay nya. Deserve nya lang yon, kasi lahat nalang ang meron ako, inaaagaw niya. Wala nga talaga silang pinagkaiba ni Elise, pareho lang silang mang-aagaw. Sisirain ko ang buhay mo Aya, kung nagawa kong sirain ang buhay ni  Elise noon, sisiguraduhin kong mas gagawin kong miserable ang buhay mo ngayon.Hinding hindi kita hahayaang mabuhay ng masya.Pagsisisihan mo kung bakit ka pa nabuhay sa mundong to.

"Sheila, hindi pala ako makakasabay sa'yo ngayon, gagawa lang kasi kami ng project ni Lance, okay lang ba?"pagpapaalam ni Aya sa akin.

"Ah sige ayos lang" plastik kong sabi sa kanya. Bakit? sa tingin nyo ba gusto kong kasabay ang tulad nya? duh no. Kailangan ko lang yang gawin para maisagawa ko ang plano ko, ang plano kong sirain ang buhay niya. Huh tignan lang natin kung sino ang mas magaling sa atin ngayon Aya. Sana inisip mo kung sino ang taong kinalaban mo, humanda ka ngayon.

Unappreciated Where stories live. Discover now